Masasabing katuparan ng isang babae ang magkaroon ng anak na bubusugin at aarugain niya ng buong pagmamahal. Dahil para sa isang babae isang pagpapala ang magkaroon ng matatawag na anak na magbibigay ng ngiti at magbibigay kahulugan ng kanyang buhay.
Talagang kakaibang saya ang hatid ng isang sanggol kapag namasdan mo na ang mukha nito lalong lalo na kapag ngumiti ito sa harap mo. Ito marahil ang dahilan kung bakit pinipili ng ilan na mag-ampon ng anak na papalikihin at aarugain.
At para sa aktres na si Claudine Barretto hindi hadlang ang pagkakaroon na ng sariling anak upang muling maranasan ang saya na magkaroon ng panibagong sanggol na bubusugin ng pagmamahal.
Kamakailan lang tuwang tuwang ibinahagi ng “Mula Sa Puso” aktres sa kanyang Instagram ang mga larawan ng bagong adopted na anak na si baby ‘Noah’ ang pinakabagong miyembro ng kanyang pamilya.
Sa isang larawan nga makikita ang aktres na karga karga ang sanggol,
“Meet my Noah Joaquin my Palanggas. Truly God’s gift. i am now Complete as a Mother. im so BLESSED BEYOND WORDS! We praise you Lord,Abba Father” sabi pa ni Claudine.
Samantala ilang Netizen naman ang hindi napigilang hindi magpahatid ng mensahe kay Claudine,
“Ang ANGELINA JOLIE ng PILIPINAS –kaya mas marami pa din ang nagmamahal sa isang CLAUDINE BARRETTO dahil napakabuti ng ❤️ – …napaka swerteng bata naman cute ni baby noah”,
“Wow God bless you po idol –you are truly a great person, Hello baby Noah”.
Sa kabilang banda hindi na nagulat ang mga tagahanga sa muling pag-aampon ng 40 taong gulang na aktres katulad na lamang ng ampunin niya ang panganay na anak na si Sabina at Quia.
Sa katunayan mayroon ng ideya ang mga tagahanga ng ibahagi ni Claudine sa kanyang Instagram ang larawang iginuhit ni Sabina, kasama ang pamilya gayundin ang kapatid na sina Santino, Quia at isang sanggol na tinawag niyang ‘Noah’.
Sa ngayon ang magandang aktres ay mayroon ng apat na anak si Sabina,Quia at si Santino na anak niya sa dating asawang si Raymart Santiago. Masasabing napakalaki talaga ng puso ng aktres pagdating sa mga bata.
source: push