50 Taong Gulang na si Alice Dixson, Binansagan na Crush ng Bayan ng mga Netizens sa Social Media

May mga kababaehan na pinagpapala ng magandang muka at katawan na kaya nilang imaintain kahit may edad na sila. Meron namang iba na dumadaan sa proseso na gumagamit ng kemikal para mapanatili ang ganda nila pero meron ding sadyang magaling lang mag-alaga ng kanilang sarili. Isa na ngang halimbawa dito ang Dyosa ng Kagandahan na si Alice Dixson na hanggang ngayon ay napakaganda ng kanyang mukha at katawan.



Si Jessie Alice Celones Dixson o Alice Dixson ay isang Fil-Am, nagsimula siya sa industriya ng show business ng taong 1987. Nakilala din ang kanyang husay sa pagaarte ng gumanap ito bilang si Faye Kabisote sa isang TV Series na Okay Ka, Fairy Ko! at katambal niya dito si Vic Sotto.

Si Alice Dixson ay 50 taon gulang na ngayon, ngunit hindi mo mahahalata ang edad nito sa kanyang mukha at katawan. Madami ang humahanga sa gandang taglay ni Alice at sa galing nito sa pag-aalaga ng kanyang katawan kaya naman hanggang ngayon ay tinuturing pa din siyang Crush ng Bayan.

Sa premier ng bagong pelikula ni Alice kasama si Aga Mulach na Nuuk ay nakapanayam nito ang isang reporter at itinanung siya nito tungkol sa pagtawag sa kanya ng mga tao na Crush ng Bayan.

Sinagot naman niya ang reporter ng,

“I’m humbled by that. I’m very humbled by that.

“And then, I’m very privileged nga na I’ve worked with actors, like Aga [Muhlach], even if it’s a sort of comeback movie for me.

“Nawala ako nang matagal in the early 2000, and when I came back in 2011, I was privileged to do quality films, great TV shows, and be able to work with great actors.”



Dagdag pa ni Alice ng tumungtong siya sa edad na 50 ay nagbago din ang pananaw niya sa buhay, ani niya.

“I feel the same when I was 16, and 20, and 30, except that your body ages.

“Yun lang ang nag-age and, I guess, your mentality changes, but who you are as a person will always be the same.”

Ayon naman sa PEP ay medyo malihim itong si Alice tungkol sa kanyang personal na buhay. Gusto kasi ng aktress na medyo pribado ang kanyang personal na buhay ang mahalaga ay masaya naman ito sa partner niya ngayon.