Maricar Concepcion Pozon Reyes ang tunay niyang pangalan, isang kilalang magaling na aktres, model, at endorser. Pero sa ngayon ay mas kilala na bilang celebrity entrepreneur, at “Loving Wife” ng Filipino-Chinese singer-songwriter na si Richard Poon.

Sa kaniyang propesiyon bilang aktres, wala siyang arte pagdating sa anumang role ang mabigay sa kanya dahil nagagawa niyang ibigay ang hustisya sa karakter na gagampanan niya. Bida man o kontrabida litaw na litaw ang kaniyang pagiging mahusay na aktres, subalit mula nang siya ay ikasal sa kaniyang asawa noong 2013 ay unti-unting nabawasan na ang kanyang exposure sa telebisyon at maging sa pelikula.

Naging madalang man na makita ng mga tagahanga, hindi pa rin nabawasan ang paghanga at pagsubaybay ng masugid na followers sa kaniyang social media accounts. Sa katunayan,trending ngayon ang kaniyang “New Look” at talaga namang gustong-gusto ng publiko ang maikling buhok maging ang bago nitong kulay na kung saan ay nasabi ng ilang netizens na nagmukha siyang international celebrity na gaya ng mga gumanap sa Big Hit movie na “The Twilight Saga.”
Masayang masaya naman at nagpasalamat si Maricar sa mga followers niya na nagbigay sa kaniya ng mga positibong komento. Subali’t matapos makakuha ng magagandang feedback sa kaniyang bagong itsura, mas pinili naman niya na ipagmalaki ang bagong tagumpay na narating bilang isang “Entrepreneur.”

Matatandaang noong taong 2015 pa siya nagsimula sa sa paggawa ng mga “chocolate-liquor cake” at taning sa kaniyang sariling bahay lamang siya gumagawa at pagkatapos ay ibinebenta niya at dine-deliver sa mga kaibigan o kakilala niya na nais mag-order.

Nito lamang Oktubre 1, buong pagmamalaking ibinahagi ni Maricar na nagkaroon na siya ng kauna-unahang stall sa isang sikat na mall bunga ng patuloy na pagtangkilik ng kaniyang mga customer sa kaniyang cake business.

Labis-labis din ang pasasalamat ni Maricar na ang dating personal na hobby niya lamang sa bahay ay naging isang maunlad na negosyo na.
Sa kanyang Instagram account ay inihayag niya ang tagumpay niyang ito na hindi lamang sa para sa kanya, kundi para buong team niya, “It’s still hard to believe. Noong 2015, sa bahay lang kami nagbe-bake, friends ko lang ang bumibili. But now we’re in Megamall. I love my team. This achievement is as much theirs as it is mine”.
Sa kasarapan nga ng kanyang mga “baked goodies” ay napabilang na ito sa librong isinulat ni Vangie Baga Reyes na “Best Dessert’s,” na kilalang author ng Inquirer Life Style. Ayon sa kanya, nalaman lamang niya ang mga special cakes ni Maricar ng minsang may nagbigay sa kanya na isang kaibigan at agad niya itong nagustuhan.