Tingnan ang Napakaganda at Modernong bahay ni Asia’s Songbird Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Alam nyo ba na ang Celebrity “Power couple” na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay naisipan na magpatayo ng isang bahay sa tuktok ng isang burol sa isang eksklusibong subdibisyon ng Quezon City. Gayunpaman, nakakamangha naman sa ganda ang kanilang tahanan.



Ang tatlong palapag na “modern contemporary,house” na ito ay pagmamay-ari ng ng sikat na mag-asawa at dinisenyo ng arkitekto na si Anthony Nazareno, kasama ng mga interyor designer na sina Ivy at Cynthia Almario.

Makikita sa mga larawan na ang bahay ay may may likas na angking malinis at dinagdagan pa ng magagandang likha mula sa mga kilalang award-winning Filipino Artist kagaya nila Ann Pamintuan at Kenneth Cobonpue.

LIVING ROOM

Ang living room ay matatagpuan sa ikalawang palapag, na siyang pangunahing palapag ng bahay. Ito ay orihinal na gawa nina Ivy at Cynthia Almario, sila din ang naging interior designer ng dalawang unit ni Kris Aquino ng condo niya sa One Roxas Triangle. Makikita din ang kakaibang upuan na malapit sa glass door ito ay regalo ng kaibigan ni Ogie at kasamahan sa Bubble Gang na si Boy2 Quizon, na kilala din bilang si Dos Quizon.

Sa loob naman ay may Arc Lamp, na umaabot sa puting ottoman na nagsisilbi din bilang isang mesa, ay mula sa Kai Collection ng kilalang Cebu-based furniture designer na si Kenneth Cobonpue. Samantala ang upuang Crescenti Giant naman likha ng award-winning artist na mula sa Davao na si Ann Pamintuan.

HOME OFFICE

Samantala ang opisina naman ng haligi ng tahanan ay may natural na liwanag tuwing umaga , salamat sa mga glass panel. Sa loob nito ay may desk, isang cabinet, computer, printer, at monitor para sa security system.

KITCHEN

Ginawang maluwang ang kusina, katulad ng mga nakikitang kusina na karaniwan sa restaurant ng hotel, kung saan makikita ang buong proseso ng paghahanda ng pagkain ng mga bisita.



DINING AREA

Ang Glass-top naman ng “8-seater dining table” ay mula sa Furnitalia. Sa kabilang bahagi naman ay may isang manipis na “sideboard” na nagsisilbing patungan ng flat-screen na TV kung saan inilalagay ni Ogie ang kanyang PlayStation 3 video-game console, na ginagamit lamang niya kapag mayroon mga bisita.

PIANO

Isang glamorosong itim na Lyric grand piano ni Ogie, ang focal point ng dakong ito na malapit sa hagdan, ito rin ang parehong piano na ginamit niya sa pagsulat ng mga theme song para sa ilang teleserye ng ABS-CBN at GMA. Ang larawan naman ni Regine sa dingding ay sorpresang regalo ni Ogie para sa Songbird ilang taon na ang nakalilipas.

SWIMMING POOL

Masayang ibinagi ni Regine na hilig niya ang paglangoy sa infinity pool, lalo na sa gabi, sa kakdahilang ramdam niya na parang nasa ibang bansa siya. “Noong una nga kaming lumipat dito para kaming nag-iispa,” sabi niya. “Magswi-swim kami ng gabi. Para kaming nasa ibang bansa, e! ” dagdag pa ni Regine.

MUSIC ROOM

Ang music room ni Ogie, ay matatagpuan sa ground floor, kung saan nagaganap ang paggawa niya ng album. Para sa Songwriter ito ang pinakasentro ng lahat, kung saan pinapanatili niya ang keyboard, synthesizer, at isang computer.

Nakasabit naman sa mga dingding ng silid na ito ang mga plaka ng pagkilala na natanggap ni Ogie para sa kanyang mga nakaraang mga album. Ipinapakita rin sa loob ng isang cabinet na salamin ang kanyang koleksyon ng mga Star Wars at Marvel Superheroes action figures.

STAIRCASE

Makikita ang isang hagdan na patungo sa ikatlong palapag kung saan naroon ang silid-tulugan na may mga palamuting mga abstract na mga painting ng kapatid ni Ogie na si Tony Alcasid, direktor na si Louie Ignacio, at Elmer Torio. Ito ay may mga pamagat na “Kailangan Kita” at “Wag Ka Lang Mawawala” (unahan at pangatlo mula sa kaliwa) ay mula sa exhibit ng Tony Alcasid’s 2009 na Many Many Phases of Love.

Ayon pa kay Ogie, ang mga painting na ito ay hindi talaga mahal: They are priced regularly. The expensive paintings-well never afford those unless theyre given to us.”



NATE’S BEDROOM

Ang silid namn ng anak nila na si Nate ay may dalawang “queen mattresses, isang “toddler bed” at mga modernong kagamitan at mga laruan na para sa kanilang nag-iisang anak.

Source: realliving.