Matatagpuan sa isang 600sqm na lote sa Quezon City ang tatlong palapag na bahay ng Kapamilya aktres na si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom o mas kilala natin bilang si Bea Alonzo.
Matapos manirahan sa isang condo sa loob nang maraming taon, ang 26 taong gulang na bumida sa “Sana Bukas pa ang Kahapon” ay ninais na maranasan kung paanu ang pamumuhay sa isang mas malaking tirahan.
Ayon sa kanyang interior designer na si Jeizle delos Reyes-Go gusto ni Bea na magkaroon ng katulad sa mga sopistikadong hotel, gaya ng mga resorts sa Asya, at ang “bling” factor mula sa makintab na finish ng bahay —ang kinalabasan ay isang disenyo na pinagsamang tradisyonal at moderno.
FACADE
Sa pamamagitan ng mga gate na bakal at mga de-kuryenteng kawad na bakod, ang bahay ni Bea ay kamangha-mangha at nagpapahiwatig sa sinumang tagalabas. Ngunit nakakapagbigay din ito ng pakiramdam ng init mula sa mga cladings ng gayahin ang itsura ng tila mga nakasalansan na mga “cubes” ng kahoy. Ito ay nagdaragdag ng texture at impresyon ng walang katulad sa kahit ano pa mang bahay.
LIVING AREA
Sa sala napakagandang sala naman ng aktres ay makikita ang isang “cowhide area rug,” na binili mula sa Bo Concept, mayroon itong mga parisukat na may iba’t ibang mga disenyo, na lumikha ng isang nakakabighaning “visual effects” laban sa makintab na ibabaw ng marmol na sahig. Binabagayan nito ang puting sofa set mula sa Origins Home Furniture shop sa Makati City. Bukod pa dito agaw atensiyon din sa sala ay ang baby grand piano; isang makulay na iskulturang metal ni Michael Carpio, sa ibabaw ng mesa sa tabi.
Hindi ito makukumpleto kung wala ang “necklace-type chandelier” mula sa Shop In Style at isang abstract na larawan na ipininta ng National Artist para sa Visula Arts si Arturo Luz.
POWDER ROOM
Dito naman sa parteng ito ng bahay ay may mga gintong mosaic tile at isang inukit na salamin ay nagdagdag kinang sa bahaging ito ng bahay.
HALLWAY
Ang may-ari ng bahay o ang mga bisita ay kailangan mong dumaan sa maikling hallway na ito, kung saan ang mga dingding ay napapalamutian ng mga “Mother-Of-Pearl mosaic tiles” mula sa HM Trading Philippines na lutang ang ganda dahil sa ilaw ng chandelier.
DINING AREA
Makikita naman sa bahaging ito ang isang 10-seater na hapag kainan, gayundin ang mga upholstered na upuan na may mga detalye ng metal na binili mula sa Origins Home Furniture.
Ang nasabing lamesa ay gawa sa solidong kahoy na akasya, ang gilid nito ay sinadyang gawing magaspang upang mapanatili ang kaakit-akit at “natural effects” ng orihinal na kahoy. Sa itaas ng hapag kainan ay isang chandelier na kristal mula sa Victoria Mondiale.
KITCHEN
Ang napaka eleganteng kusina naman ay nilagyan ng mga appurtenance na tunay na magugustuhan ng isang “foodie/cook lover”: isang glass-ceramic cooktop, isang range hood, built-in na microwave at convection oven, isang espresso maker.
May mga pasadyang cabinets ni Bea ay binigyan ay tinawag ni Jeizle na “high- gloss white laminates with subtle wooden color accents”. Sa pader naman ay makikita ang isang flat-screen TV.
HOME OFFICE
Ang “home office naman ni Bea, na matatagpuan sa ground floor, ay mayroong “old-meet-new motif”. Ang asul na Ottoman na naging kabahagi ng mesa, pati ang sopa at ang armless chair na may tufted backrest. Lahat ito ay “custom-made mula sa Origins Home Furniture. May mga modernong kagamitan tulad ng Mac Desktop computer at LED TV ay nakalagay malapit sa mga vintage item tulad ng manu-manong makinilya at ponograpo, na binili niya mula sa Heima.
WALK-IN CLOSET
Ayon kay Bea ang dressing area ay para lamang sa kanyang mga damit. Lahat naman ng sapatos at bag na ginagamit niya para sa trabaho ay nakatago sa ibang silid. Ang crystal chandelier na nag-iilaw sa bahaging ito ay mula sa tindahan ng kasangkapan na Lifestyle Muebles.Samantala ang kabinet sa gitna naman ay ang pinaglalagyan ng kaniyang accesories. Ang crystal chandelier na nag-iilaw sa bahaging ito ay mula sa tindahan ng kasangkapan na Lifestyle Muebles.
Ilan sa mga koleksiyon ng bag ni Bea ang mga tatak na Prada, Gucci, Tory, Burch, Chanel, at Louis Vuitton. Sa mga sapatos naman ay mayroon siyang mga pares ng stilettos at flat mula sa YSL, Christian Louboutin, Prada, at Gucci.
ENTERTAINMENT ROOM
Ayon sa mga report, ang lugar na ito ang pinamalaki sa lahat, tinatawag ito ni Bea, “the second living room”. Nagsisilbing sentro dito ay ang L-Shaped sectional sofa mula sa Origins Home Furniture at ang cowhide area rug na mula din sa Bo Concept. Ayon din sa aktres, ito ay ang “Favorite place naming pamilya!”
MASTER BATHROOM
Dito sa lugar na ito neenjoy ni Bea ang kanyang mga tinatwag na mga “simple pleasures” gaya ng mahabang paliligo sa kanyang “ immaculate claw-foot tub”. Pwede rin siyang maglagay ng tsaa, libro o mababangong kandila saisang tray na “palochina made” na pwedeng ikabit sa mga gilid ng tub.
SAUNA
Mayroon ding sariling sauna sa kanyang tahanan si Bea na nakakatulong ng malaki kapag gusto niyang magrelaks mula sa isang nakakapagod na araw bilang artista dahil di na niya kelangan pang magtungo sa mga spa.
MASTER BEDROOM
Sa master bedroom naman ng Kapamilya actress ay mayroong “queen size bed” na may custom made “wingback headboard”. Ang mga mabibigat makakapal naman na kurtina sa silid ang humarang na sikat ng araw sa umaga upang maiwasan ang pagpasok sa loob ng kwarto. Dito din ay matatagpuan ang isang chandelier na binili ni Bea mula sa Victoria Mondiale.
POOL
Ang bahaging ito naman ay may nakalulugod na imahe dahil nagtataglay ito ng “three earth colors, asul(pool), berde(damo), at kayumanggi(mga haligi, shingles). Mayroon hindi regular na hugis ang pool, ito ay sumusunod sa hindi pantay na hugis ng lote kung saan nakatayo ang bahay ni Bea.
Makikita sa dulo ng pool ang isang “waterfall na inayon naman sa feng shui upang makakatanggap pa ang may-ari ng bahay ng madaming blessings. Dito naman madalas magdaos ng mga espesyal na “gatherings” ang aktres at kanyang pamilya.