Si Richard Reyes Faulkerson Jr o mas kilala natin sa pangalang Alden Richards ay isa sa mga sikat na artista ng kanyang henerasyon. Isa din sa nagpasikat ng todo kay Alden ng maging parti sya ng AlDub love team na mapapanood natin sa Eat Bulaga. Nagbunga naman lahat ng paghihirap at pagtyatyaga ni Alden sa kanyang pagtratrabaho ng mabigyan nya ng bahay at lupa ang kanyang pamilya.
Ngunit pangalawa na si Alden sa nagmayari ng nasabing bahay at lupa at ito ay matatagpuan sa isang sabidibisyon sa Laguna. Nakatayo sa pinagsamang lupa ang nasabing bahay ni Alden at may plano na din syang ayusin at pagandahin ito. Sa katunayan nyan ay unti unti nya na itong sinisimulan sa tulong na din ng isang arkitekto at interior designer.
Tumutulong din sya sa pagdedesenyo at pagrerenovate ng kanyang bahay dahil halos karamihan sa kanyang mga furniture ay sya ang pumili. Natutuwa naman si Alden dahil natupad na din ang pangarap nya na mabigyan ng bahay ang kanng pamilya at ngayon ay may sarili na ding kwarto at kanyang lola at lolo sa bago nilang bahay.
FACADE
FACADE AT NIGHT
Labas palang ng bahay ni Alden ay talaga namang nakakaakit ng pansin dahil sa elegante nitong hitsura marahil dahil na din da maliit nitong hardin. Ayon pa kay Alden ay kahit pinaayos nya na ang bahay ay may mga desenyo pa din ito na hindi naman pinabago lalo na ako hitsura nito na mukang tore kaya naman gumamit sila ng mga concrete tiles, sturdy post at bricks sa finished nito.
LIVING AND DINING AREA
Sa sala naman ni Alden ay gumamit sila ng nyetral at maliwanag na kulay para magmukhang maaliwalas at kaakitakit. Hindi kumpleto ang maaliwalas ng hitsura ng sala ni Alden kung wala ang kulay abo nyang sopa na may kasamang malambot na unan. Gumanit din sya ng lamesa sa gitna ng kanyang mga sala o coffee table na galing naman sa Tagaytay ay isang center table na may salamit sa taas.
Sa kanyang hapag kainan naman ay gumamit sya ng dining chair at Table para sa walong tao na pinasadya nya sa gumawa din ng kanyang coffee table.
Ang nasabing dining table ay purong kahoy na may salamin sa taas na katapat naman ng napakagandang chandelier na nakasabit sa kanyang kisame. Ang hapag kainan ding ito ay nakakonekta sa kanyang harden at lanai.
BAR AREA AND KITCHEN
enovate ni Alden sa bahay nya ay lumaki ang space nito dahilan para magkaroon sya ng minibar. Bago kasi ito marenovate ay nasa gitnang bahagi ang posisyon ng hagdanan nito kaya naman ng ipaayos nya ang kanyang bahay ay isinabay na din nya ang paglipat ng posisyon ng kanyang hagdanan.
Samantalang ang kusina naman ni Alden ay hindi pa tapod dahil madami pa syang plano dito na baguhin. Gusto din ni Alden at ng kanyang lola na magkaroon ng madaming lalagyanan ang kanila kusina para makakapagluto sila dito ng maayos. Sa ngayon ang kusina nila ay may finish na dark wood na talaga namang nakakabighani sa ganda.
LANAI
Ang lanai naman ay isa sa mga nakakapagparelax na lugar sa bahay ni Alden, malapit din ito sa kanyang garden at pwede mo itong mapuntahan mula sa gate o di kaya ay sa dining room.
DEN AND VERANDA
Bukod sa lanai ay may den din ang bahay ni Alden at ito ay matatagpuan sa pangalawang palapag ng kanyang bahay. Dito mo makikita ang larawan ng buong pamilya ni Alden, dito din sila nagbobonding magpapamilya.
Merong dalawang napakalambot na upuan at unan and den ni Alden na madalas nilang gamitin kapag sila ay nanunuod ng TV, mga pelikula at kapag sila ay naglalaro ng board games.
Dito din makikita ang magagandang tanawin sa labas ng bahay nila Alden at talaga namang nakakarelax ang lugar na ito. Sa isang sulok naman ng den ni Alden ay matatagpuan ang isang lamesa na may bulaklak at lalagyanan na kung saan nakalagay dito ang abo ng namayapang ina ni Alden na si Rosario.
Alden’s Bathroom and Bedroom
source: filipinoguideph