Ibinahagi ng apatnapu’t siyam na taong gulang na aktres at mang aawit na si Regine Velasquez na noong bumisita siya sa isang malaking designer label’s store sa New York para bumili ng particular na sapatos ay nakaranas di umano ito ng diskriminasyon.
Kwento niya,
“When I got there, nakita ko na nandoon sa display. Sa umpisa pa lang, sinabi na agad sa akin na wala akong size. Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi ng guy, ‘No.’ Na-discriminate ang lola niyo.
“So, I went to Neiman Marcus. Maraming branded shoes. Ang ending ko ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes,” dagdag pa ni Regine.
Ibinahagi rin niya sa kanyang unang YouTube vlog kung paano humantong na bumili sya ng 20 pares ng sapatos dahil sa hindi nya mabili ang gusto nitong sapatos na Louis Vuitton na nabili rin naman niya kalaunan.
Hindi pa diyan natapos ang kwento niya,
“So pagkatapos ko bilin ‘yong 20 pairs, pumunta ulit ako ng Louis Vuitton. Noong marami na akong bitbit, pinapasok na ako sa loob ng Louis Vuitton at nabili ko siya.”
Idinaan na lamang ng “Asia’s Songbird” sa tawa ang pangyayaring naganap noon at sinabi na,
“But it’s okay. I don’t think you should feel bad pagka na-discriminate ka. You go back and like kick some ass!”
Marami sa kanyang tagahanga ay alam na ang idolo nila ay mahilig mangolekta ng mga magaganda pares ng sapatos. Sa katunayan, mayroon din siyang ginawang Instagram account “@fashionpicturest” na para lamang sa mga collection niya ng sapatos.
Ipinasilip din ni Regine sa mga nitezens ang walk-in closet niya at pina kita niya dito ang mga koleksyon nya ng mamahaling sapatos na talaga namang makalaglag-panga sa ganda at dami.
Sa espasyo na ito ay kabahagi rin ni Regine ang kanyang asawa na is Ogie Alcasid. Makikita naman na karamihan sa kanyang mga collection ay trove eclectic, eccentric at ang tinawag nyang designer pumps, stilettos, at mga boots ay ang mga tinuturing nitong kayamanan. Ayon pa sa kanya, “Mahilig ako sa odd-looking shoes,” dagdag pa niya na tinerternohan niya ito ng kulay itim or beige na mga kasuotan.
Pag amin ng sikat na mang-aawit, hindi naman niya nagagamit ang lahat ng sapatos niya, dahil sa hindi lahat ito ay kumportable sa kanya,
“Considering sa aking height, maliit paa ko. I’m only a size six. Ganun kaliit na ‘yong paa ko [and] I’m medyo big so hirap ako kasi laging masakit yung paa ko. I cannot find any comfortable shoes actually so what I do is I buy shoes and tiis ganda nalang.”
Ngunit kailan nga ba nagsimula ang pagkahumaling niya sa mga designer shoes? Saad ng naturang mang aawit noong kumikita na siya ng sarili niyang pera, nakahiligan na niya ang mga branded shoes.
“Noong nagkaroon na ako ng konting kita, naging curious na ako sa mga branded na shoes. I think it started noong nag-Hong Kong ako—’yong ‘di ba, meron akong Asian album—it started there kasi sa Hong Kong ko nakikita ‘yong mga branded na sapatos… And in fairness d’on sa mga mamahaling sapatos, matibay talaga. Pero minsan, masakit lang talaga sa paa,” paliwanag niya.
Bagaman mahilig siya sa ibat-ibang designer shoes, inamin ni Regine na pinaka gusto niya ang brand ng Louis Vuitton, “I’m a big fan of Louis Vuitton shoes talaga.”
Dahil dito, mayroon siyang paboritong pares ng Louis Vuitton wedges na tlaga namang ginagamit niya pa din madalas kahit na halos dalawang dekada na ito sa kanya.