Ang oras ang isa sa mga nagpapatibay ng samahan ng isang magkarelasyon, mag-asawa man yan o magnobyo at nobya palang. Kaya naman ang iba ay gumagawa talaga ng paraan para makapaglaan ng oras at panahon sa kanilang mga minamahal. Kaya kahit kunting oras na maka-usap o makabonding lang nila ang kanilang mga minamahal ay talaga namang napakahalaga na sa kanila.
Ngunit may mga pagkakataon na hindi natin maiwasan na magkulang tayo o hindi na natin mabigyan ng oras ang ating mga minamahal dahil narin sa sobrang busy natin sa ating mga trabaho o sa ibang importanteng bagay.
Isa na nga sa halimbawa dito ay ang mga magulang na busy magtrabaho at kumayod ng pera para sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya naman hindi maiwasan ng ibang mag-asawa ang mamiss ang isat isa dahil narin sa wala silang oras para makapagdate o magbonding pa.
Katulad nalang ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na umanoy ilang araw ng hindi nagkakasama at nagkikita. Ayon sa isang post ni Pauleen sa IG, ay tila miss na miss na nya ang kanyang asawa na si Vic Sotto na kasalukuyan namang busy sa kanyang trabaho. Sabi nya dito na,“Missing my dear husband who’s still out working since this morning. These past weeks, his schedule’s been crazy because he’s filming for his movie,”
Ayon naman kay Pauleen, ang pagiging TV host at pagshooting ng nalalapit na pelikula sa MMFF ang dahilan ng pagkabusy ni Vic pero kahit ganoon pa man ay naiintindihan nya ito.
Bilang isa ding artista, naiintindihan nya na dumadating talaga ang mga ganitong pagkakataon sa buhay nila at nauunawaan nya ito dahil narin nakapapasaya ni Vic ang mga Pilipino.
Naaapreciate naman ni Pauleen ang mga ginagawa ni Vic para sa kanilang pamilya at para narin sa mga Pilipino, kaya nagtitiis nalang siya kahit sobrang miss na miss nya na ito. Ayon pa sa kanya, kahit pagod na pagod na si Vic ay hindi nya ito nakitang nagreklamo, dahil narin siguro sa mahal nito ang kanyang ginagawa at masaya syang ginagawa ito. Dagdag pa nya sa kanyang post na,
“Thank you my love for all that you do for us, for your entire family. We love you and we appreciate you! Always and forever,”
Talaga namang nakakahanga ang mga taong katulad ni Pauleen na nauunawaan ang ginagawa ng kanyang asawa, ganun din kay Vic na sinasakripisyo ang mga ibang mahahalagang bagay para lang makapagpasaya sa kanyang mga kababayan.