Painting na Binili ni Yasmien Kurdi Nakapag Palaya ng Preso

Nitong lunes, Oktubre 14, nagtataping sila Yasmien kurdi sa BJMP (Bureau of Jail
Management and Penology) ng Tagaytay ng mapansin nya ang mga naggagandahan Painting dito.

Dahil sa nagandahan sya dito ay itinanong nya ang pamunuan ng BJMP kung ito ba ay ibinibenta. Bukod sa nalaman nya na ito nga ay ipinagbibili, nalaman din nya na ang mga painting na ito ay gawa ng mga PDL o Person Deprived of Liberty sa Tagaytay BJMP. Bukod pa dito, ang mga painting din na ito ay pwedeng magsilbing pambayad o piyansa ng mga PDL para sila ay makalaya.



Ang idea ng pagturo ng pagpipinta sa mga PDL ng BJMP Tagaytay ay nanggaling sa kanilang Jail Senior Inspector na si Brian Villarster. Ayon sa kanya, “Sobrang tulong yun sa amin, kasi para siyempre, mabawasan din yung bilang ng mga PDL natin na nasa loob ng kulungan,”.

Photo credits: yasmien_kurdi | Instagram 

Hinikayat naman ni Yasmien ang mga tao sa kanyang social media post na bisitahin ang BJMP Tagaytay at sikaping bumili ng mga painting na gawa ng mga PDL para narin makatulong sa mga ito.

Ayon sa panayam ni Yasmien kay Lhar Santiago ng Chicka Minute segment ng 24 ORAS, Tsismisan Sa Umaga” ang pamagat ng painting na kanyang nabili at dahil dito umano ay nakapalaya sya ng isang preso.

Photo credits: yasmien_kurdi | Instagram

Dahil sa ginawa ni Yasmien ay sobra ang tuwa ng presyo na nagngangalang Jason Bautista na gumawa ng painting na binili nito. Ayon kay Jason,

“Masayang-masaya po [ako], kasi na-appreciate ng isang celebrity yung gawa ko po,”.



Hindi naman napigilan ng babaeng PDL na si Maricris Estrada na maging emosyonal ng mabigyan sya ng piyansa dahil sa nabili ni Yasmien na painting. Umiiyak ito habang sinasabi nya na,

“Ah, sa ‘yo po, Ma’am, ‘tsaka kay Warden, thank you, kasi kayo ang pinakamalaking blessing na dumating sa akin ngayong magpa-Pasko’t Bagong Taon, makakasama ko ang anak ko. Thank you po,”

Photo credits: yasmien_kurdi | Instagram

Sa mga interesadong pang bumili ng mga painting na gawa ng mga taga BJMP Tagaytay at para narin makatulong sa mga PDL, magkakaroon sila ng isang buwan na exhibit sa Coreon Gate sa Bel-Air, Makati simula ngayong Oktubre 22, 3pm.