Iba-iba ang kwento ng buhay nating mga tao, mayroon sa atin lumaking mayaman mayroon naman lumaking mahirap pero dahil matyaga sya sa buhay kaya naging mayaman o may kaya na sya ngayon. Mayroon din naman sa atin buo ang pamilya mayroon din namang hindi. Kagaya ng ibang tao, mayroon din mga artista na katulad nila ang kapalaran, ang iba pa nga ay lumaking sa piling ng mga taong hindi naman nila mga tunay na magulang o sa madaling sabi, ay ampon sila.
Narito at ating alamin kung sinu sinu sila.
1. JENNELYN MERCADO
Anim na buwang sangol palang si Jennelyn ng iwan sya ng kanyang mga tunay na magulang. Maayos naman syang pinalaki mag-isa ng umampon sa kanya na si Mommy Lydia na malayong kamag-anak ng totoong ina ni Jennelyn.
Nagkaroon din naman si Jennelyn at ng totoo nyang mga magulang na sila Noli Pineda at Jinkee ng pagkakataon para magkakilala ngunit sa magkaibang okasyon.
2. AI-AI DELAS ALAS
Hindi tulad ng ibang artista na walang malinaw na dahilan bakit sila iniwan ng kanilang mga magulang, si Ai-Ai ay pinaampon ng kanyang mga magulang dahil sa kahirapan at dahil narin sa maghihiwalay na ang mga ito. Si Ai-ai ay anak ni Gregoria Hernandez at Rosendo Delas Alas na kapatid naman ng matandang dalaga na umampon kay Ai-Ai na si Justa Delas Alas.
3. VICKI BELO
Ang sikat na dermatologies at entrepreneur na si Vicki Belo ay isa ding ampon. Inampon at itinuring syang tunay na anak nila Enrique Belo at Nena Gonzales na kapatid naman ng totoo nyang ina na si Victoria Gonzales. Si Vicki din ay pamangkin ng dating senador na si Ninoy Aquino dahil first cousin nito ang tunay na ama ni Vicki na si Augusto Cancio.
Nakaranas din si Vicki na matukso noong sya ay bata pa. Lagi siyang inaasar ng kapwa nyang mga bata na ang dahilan bakit daw siya iniwan ng mga totoo nyang magulang ay dahil sa mataba ito at pangit. Kaya naman imbis na gumanti sya ay ginawa nya nalang itong ispirasyon para sa kanyang pangarap na dermatology at beauty clinic na ngayon ay kilalang kilala na.
4. ANGELINE QUINTO
Si Angeline Quinto ay anak ni Pop Quiros at Rosemarie Mabao na kapatid naman ng umampon kay Angeline na si Sylvia “Mama Bob” Quinto. Pinaampon si Angeline sa kanyang tita ng tunay na ina sa kadahilanang nakakaranas ito ng pagmamalupit sa kamay ng tunay na ama ni Angeline.
Ang tita din ni Angeline na si Mama Bob ang nakiusap sa ina ni Angeline na huwag na itong ipalaglag dahil kawawa naman at siya nalang ang mag-aalaga dito at ituturing niyang parang tunay niyang anak.
5. LOTLOT DE LEON
Bata palang si Lotlot ay alam na nyang ampon sya dahil lagi din siyang nakakaranas na tuksuin na “ampon ni Nora”. Si Lotlot ay inampon ni Nora Aunor at ng dati nitong asawa na si Christopher De Leon sa pamamagitan ng ina ni Nora. Ang totoo namang mga magulang ni Lotlot ay sila Donald Olson at Eva Rodriquez at wala pa ding malinaw na dahilan bakit ito pinaampon.
6. MARK HERRAS
Limang taong gulang palang si Mark ng abandunahin silang mag-ina ng kanyang ama at wala pa ding malinaw na dahilan kung bakit. Inampon at pinalaki naman si Mark ng bading nyang foster parents na sila Herminigildo “Papa Pim Santos at Daddy Jun Herras. Ngunit pareho na silang namayapa noong 2014 at 2016 kasabay na din ng ina ni Mark na si Jasmin Santos noong 2016 din.
7. ANGELICA PANGANIBAN
Bata palang si Angelica ay napapa-isip na siya kung bakit tila hindi niya kamuka ang kanyang mga kapatid at mga magulang. Taong 2010 niya lang nalaman ang totoo kung bakit hindi niya kamuka ang kanyang kinagisnang pamilya at iyon nga ay dahil hindi siya tunay na kapatid at anak ng mga ito dahil isa siyang ampon.
Inamin naman kay Angelica ng tinuturing niyang ina na si Melania Panganiban na siya at isang ampon at pinakita narin nito ang mga larawan at mga inpormasyon na nais niyang malaman tungkol sa kanyang mga tunay na magulang.
Kamakailan lang ay nagkainterest si Angelica na hanapin ang kanyang ama ng malaman niyang patay na ang totoo niyang ina , at hindi naman nagtagal at nakilala niya rin ito sa kataohan ni Mark Charison.
Ampon man sila o hindi ang mahalaga ay naranasan nila ang pagmamahal ng isang tunay na magulang sa piling ng mga taong nagampon sa kanila.