Mga Bagong Larawan Ni “Carrot Man” Jeyrick Sigmaton Online Hinangaan Ng mga Netizens

Parang bagyo ang pagsikat ni Jeyrick Sigmaton na binansagan na Carrot Man. Naagaw niya ang atensyon ng mga netizen matapos kumalat ang kanyang larawan na may karga-kargang basket na puno ng Carrots. Ang tunay na kinagulat at labis na hinangaan ng mga tao ay ang mukha at pangangatawan ni Carrot Man na maihahambing sa mga kalalakihan sa Industriya ng Show Business.



Patuloy na nag-trending ang mga post sa social medaa tungkol sa kanya. Hanggang sa naitampok ang kanyang kwento sa isang magazine show ng GMA – walang iba kung hindi sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Matapos nito ay sunod sunod na ang mga alok sa kanya na mag-guest sa iba’t ibang Programa kagaya ng “Sunday Pinasaya”, “Bubble Gang” at iba pa.

Makalipas ang ilang taon, ang tanong ng karamihan, Nasaan na nga ba si Carrot Man? Kamakailan lamang ay lumabas ang kanyang mga larawan tampok ang kanyang Bagong Anyo.

Siya ngayon ay kasama na sa all-male group na ‘FAB4Z’ kasama sina Jeffer Kim, Patrick Villanueva at Yuan Quiblat. Naging endorser din sya ng isang kilalang clothing line, at naging inspirasyon pa sa kwento ng isang Pocket book.



Nakarating na sya sa iba’t ibang bansa kagaya ng United Kingdom, Singapore, Thailand at Korea. Kung dati ay mapapansin na sya ay mahiyain, ngayon ay may kumpyansa na sya na humarap kahit pa sa maraming tao.

Mas hinangaan pa Jeyrick dahil patuloy sya sa pagsusumikap at tinutulungan din ang kanyang mga kapatid sa kanilang pag-aaral. Siya din mismo ay nangangarap na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Hindi din siya tumitigil sa pangangarap at pagsisikap na labis na hinahangaan ng kanyang mga tagahanga.



Ayon pa sa kanya, isa lamang sa mga gusto nyang magawa ay ang makasulat ng sariling kantang Igorot at pati na rin maging magaling na boskingero na kagaya ng ating Pambansang Kamao’ na si Manny “Pacman” Pacquiao.

Si Jeyrick ay isang patunay na walang imposibleng marating kahit ano pa ang estado sa buhay. Basta samahan ang pangarap, sipag at dedikasyon anumang bigat, ay pilit tayong lumaban. Kagaya na lamang ng larawan niyang siya ay nagbubuhat ng gulay na naging daan upang makilala siya at sumikat bilang si “Carrot Man”.