‘Megastar’ Sharon Cuneta Sinagot Ang Isang Netizen Kung Paanu Niya Alagaan Ang Kanyang Mga Kasambahay

Kilala natin ang galing ng Megastar pagdating sa harap ng kamera, mula sa drama, action at comedy. Sa kanyang husay marami ang humahanga sa nag-iisang Sharon Cuneta mula sa simpleng tagahanga hanggang sa mga kilalang mamahayag. Patunay na nararapat lamang siya sa pedestal na kinalalagyan subalit sa kabila ng antas sa buhay nanatili pa rin ang kanyang paa na nakatapak sa lupa.

Patunay lamang nito kung sino Ang Kapamilya Artist sa kanyang tahanan, mula sa pagiging mabait na maybahay, malambing na ina, mabait na amo para sa mga kasambahay. Katunayan nito ang mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account mula sa pinakamamahal na pamilya maging sa mga maasahang mga kasama sa bahay.



Kamakailan lang ay nagshare ang butihing asawa ni dating Senador Kiko Pangilinan ng mga larawan ng kanyang mga kasambahay. Sa nasabing larawan masayang makikita ang mga katulong ng Megastar habang nasa loob ng isang restaurant. At ayon pa sa naturang post ang mga nasa larawan ay ang mga personal na ‘Yaya’ ng kaniyang mga anak.

Sa kabilang banda isang Netizen ang nagbigay ng maling impresiyon at nagkomento na bakit tinawag ni Megastar na ‘yaya’ ang kanyang mga kasambahay. Gayundin sa nasabing Instagram post pinuna din ng isang netizen ang mga suot ng mga katulong ng 53 taong gulang na aktres.

Hindi naman nagawang hindi sumagot ng dating host ng programang “Your Face Sounds Familiar” ang naturang mga netizen at nilinaw niya kung paanu niya pinapakitunguhan ang kanyang mga kasambahay. Ibinahagi din niya na sa tuwing may alis silang magpapamilya patungo sa ibang bansa talagang kasama ang kanilang mga katulong at malaya ang mga ito sa kanilang damit na isusuot.

Dinagdag pa ng aktres na ang kanyang personal na driver na si Nelson na tinatawag niyang ‘Dudung’ ay 30 taon ng naninilbihan sa kanila ay itinuturing na niyang pamilya na ganoon din ang iba pa nilang mga kasambahay.



Sinabi din ng “Crying Ladies” actress kung saan sila pupuntang lugar ay kasama na nila ang mga kasama sa bahay sa pamamasyal katulad na lang sa Hongkong, Bangkok, Japan, United States at maging sa Paris at libre itong ibinibigay at may kasama pang mga personal allowances. Sa katunayan kasama din silang pumunta sa sikat na lugar na Disneyland.

Kilala ang aktres sa kung paanu siya makitungo sa kanyang mga kasama sa bahay at maraming netizen ang nagsabing tumatanaw lang ng utang na loob si Sharon sa kaniyang mga kasambahay dahil sa pag-aasikaso nila sa kanyang buong pamilya. Sa katunayan ang mga katulong ay matagal ng naninilbihan sa pamilya ng megastar.

Samantala ilang netizen naman ang nagsabi na tama lang naman na magsuot ng uniporme ang mga katulong upang hindi ito mailang habang kasama ang dating “The Voice Kids” host at wala namang nakakahiya sa pagsusuot ng uniporme bilang yaya. “Kasi you look at being yayas or helpers as lowly jobs. Uniform does not make a person –Maraming yaya ang may lupa back in their own town provinces. So why cant they wear their uniform with pride?” paliwanag pa nga ng isang Netizen.



Ayon pa sa very supportive mommy ni KC Concepcion wala naman siyang masamang intensiyon sa pagsama sa mga kasambahay habang nakasuot sila ng uniporme maging sa pagbanggit sa post ng salitang yaya, “Yaya” to us is an affectionate term, which is why even our cook and lavandera and all-around helpers are called “yaya”. Mahirap naman to call my yaya “Guardian Hanzel” pabirong banggit pa ng aktres.

Sinabi pa ng aktres na kung tatanungin nila mismo ang mga kasambahay sila na ang magpapatunay sa kung paanung makitungo ang isang Megastar for all Season sa likod ng kamera.