Ipinakita ng kilalang aktor na si John Estrada ang kanilang bahay bakasyunan na talaga namang napakaganda, maliban sa maganda at eleganteng interyor ng bahay, nagtataglay din ito ng malawak at magagandang tanawin dahil ito ay matatagpuan sa loob ng Orchard Residential Estates Golf at Country Club sa Dasmarinas, Cavite.
Sa isang larawan nga na ibinahagi sa Instagram account ng apatnapu’t anim na gulang aktor, kung saan kasama niya ang kanyang mag-ina na si Priscilla at Anechka sa ikalawang palapag ng kanilang bahay ay makikita sa ibaba ang kanilang malawak na sala at ang makabago at makinang na interyor na may neutral na kulay.
Makikita rin dito ang isang malaking pintuang yari sa salamin at sa kabilang bahagi nito ay ang kanilang swimming pool kung saan tanaw naman ang “orchard” at ang golf course.
Ayon pa kay John, ang bahaging ito kung saan madalas sila mgswimming ni Anechka at iba pa niyang anak ay ang kanyang paboritong lugar dahil dito sila madalas magbonding.
Kamakailan nga ay ibinahagi niya ang isang litrato nila ni Anechka na isa sa mga dahilan bakit niya gusto ang araw ng linggo, bagama’t hindi lahat ng kaniyang anak ay nakakasama pa niya palagi sa kadahilanan na sila ay hindi n mga bata at mayroon ng mga sariling buhay, “This is one of the reasons why I love weekends. I miss my other kids but forgot they are not in their teens anymore and have their own lives already. Happy Sunday everyone!” isinulat nya sa caption ng larawan.
Isa pa sa pumukaw ng atensyon sa loob ng kanilang maganda at malawak na bahay bakasyunan ay ang isang bahagi kung saan sa dingding ay nakasabit ang ilan sa mga larawan nila. Bukod sa mga imahe nila ng kaniyang pinakakamamahal na pamilya, ito rin daw ay ang kanyang paboritong “siesta place.”
Samantala, ang kanila namang “master’s bedroom” ay mayroong ding malalaking bintana na gawa sa salamin, kung kaya’t kitang kita mula rito ang malawak at kulay berdeng tanawin sa golf course.
Noong Pebrero nga nitong taon ay marami sa kanilang tagahanga ang natuwa at kinilg ng ipinagdiwang nila John at Priscilla ang kanilang ika-8 anibersaryo ng kanilang kasal, kasabay ng pagdiriwang ni Anechka ng kanyang ika pitong kaarawan.
Nagtungo ang kanilang buong pamilya Boracay, kung saan nagbigay ang aktor ng isang matamis na mensahe sa kanyang beauty queen na asawa, “Married for 8 years today and 11 years together. I love you baby. She is amazing. I’m truly blessed to have her. Road to forever. Salamat Panginoon,” saad niya sa kanyang Instagram post.