Talaga namang napakaganda ng taong 2019 para sa basketbolistang si Japeth Aguilar, dahil bukod sa paglaro niya sa Ginebra at Gilas ay nakasali din ito sa international leagues gaya ng FIBA World Cup at Southeast Asian (SEA) Games.
Bukod naman sa pagbabastketball ay naging abala din si Japeth sa personal niyang buhay at kamakailan lang nga ay kanyang pinakasalan ang kanyang kasintahan na si First-runner up Miss World Philippines 2015 Cassandra Naidas. Isa lang itong patunay na hindi lang sa basketball nagiging kampeon si Japeth kundi patin narin sa kanyang buhay pag-ibig.
Halos tatlong taon ding naging magkasintahan sila Japeth at Cassandra bago sila magdesisyon na pagkasal. Ibinahagi naman sa Instagram account ni Cassandra ang mga larawan ng pag-iisang dibdib nila Japeth sa isang simpleng civil wedding at nilagyan niya ito ng pahayag na ‘Marred God’s best today”.
Kung matatandaan ninyo na nitong Pebro 2019 lang din niyaya ni Japeth na magpakasal si Cassandra habang ito ay nasa airport. Simple lang din ang naging proposal ni Japeth kay Cassandra at ayon nga kay Cassandra kilala daw kasi siya ng kanyang nobyo bilang isang simpleng babae marahil ito din ang dahilan kung bakit simple din ang kanilang kasal. Ayon sa post ni Cassandra ng ibahagi niyang engaged na sila ni Japeth, sinabi niyang
” You could have done something grand and cheesy, but you know me so well and did exactly how I would have wanted it to be”.
Makikita din sa Instagram account ni Cassandra ang mga larawan ng kasal nila na kung saan kasama ang pareho nilang pamilya ni Japeth at iba pang dumalo sa kasal. Bukod sa simpleng kasal ay simple din ang naging resepsyon at selebrasyon nila matapos ang seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.
Hindi naman nagpahuli sa pagbati ang mga malalapit na kaibigan nila Japeth at Cassandra na sila MJ Lastimosa, Miss World 2012 Megan Young, Mutya Datul, Ariella Arida, Denise Laurel at RR Enriquez.
Wala naman sa laki ng nagastos o sa dami ng bisita nasusukat ang pag-aasawa kundi sa magiging relasyon nyo at pakikitungo sa isat-isa at sa maayos na pagsasama bilang mag-asawa pagkatapos ng kasal.