Hindi lahat ng lalaki sa mundo ay tatangapin ang dati mong pagkatao lalo na kung ang nakaraan mo ay hindi ganoon kaganda. Mapalad ka nalang kung ang taong mamahalin mo ay tanggap ka kung anu ka noon at ngayon.
Tulad nalang ni Rica Peralejo na sobra sobra ang pasasalamat sa Maykapal dahil sa kabila ng kanyang nakaraan ay nakapangasawa siya ng taong tinanggap siya at minahal ng sobra sobra.

Kapag binabalikan niya ang araw na siya ay ikinasal, napapangiti nalang siya at nagpapasalamat sa Dyos dahil naramdaman niya kung gaano kaswerte at kamahal ng mga mga tao sa paligid niya. Naalala niya pa din yung mga mabubuting tao na dumalo sa kanyang kasal at nag-alay ng pagmamahal at panalangin para sa matagumpay nilang pagsasama bilang mag-asawa.

Dagdag pa ni RIca na hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na sa kabila ng pangit niyang nakaraan at hindi magandang pagkatao noon, ay may taong tatangap at magmamahal pa din sa kanya ng buong buo.

27 taong gulang si Rica ng magdesisyon siyang talikuran na ang paggawa ng mga daring na role sa pelikula at telibisyon. Ito din ang mga panahon na nakilala niya si Pastor Joseph Bonifacio ng tumulong naman kay Rica na magbagong buhay at magbalik loob sa Panginoon.
Tinulungan ni Joseph si Rica na patibayin ang pananampalataya nito sa Maykapal at dito na din nagsimula ang nararamdaman nila sa isat isa. Halos sampung taon din silang naging magkasintahan ng magdesisyon na silang magpakasal at lumugar sa tahimik. Ngayon ay 9 taon na silang nagsasama at mayroon na silang dalawang anak.

Ayon kay Rica sa kabila ng kanyang nagawang pagkakamali noon ay pinatawad at minahal pa din siya ng Maykapal dahil inilagay ng Dyos si Joseph sa buhay niya. Dagdag pa niya na, God’s will prevails. It was all new to me then but after nine years I have come to relize that when God has a will for you, it can’t and shan’t be taken away from you no matter how hard you fall in life.” Bukod dito ay nagbigay din siya ng payo sa mga kababaihan na ” mistakes are part of life. But they shouldn’t define us.”
Talaga namang napakaswerte ni Rica kay Joseph dahil bukod sa tinanggap nito ang nakaraan niya ay napakabuting tao din nito hindi lang kay Rica kundi pati na sa ibang tao.