Kilalanin ang Napakaganda, Multi Talented ngunit Simpleng Anak na Babae ni Gretchen Barreto at Tony Boy Cojuanco na si Dominique Barretto

May mga anak ng artista ang mas piniling mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo na dulot ng insdustriya ng show business at isa na nga dito ang anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Barretto.



Si Dominique ay anak ni Gretchen sa kanyang partner na si Tony Boy Cojuangco. Hindi tulad ng magkakapatid na Barretto na sila Marjorie, Gretchen at Claudine pati na ang mga pinsan nito na sila Julia, mas pinili ni Dominique ang tahimik na mundo kaysa sa mundo ng show business.

Photo credits: dominique | Instagram
Photo credits: dominique | Instagram

Marami ang nagsasabi na mga kakilala nila Gretchen at Dominique na para silang magkapatid, hindi lang dahil sa magkamuka sila kundi dahil sa turingan nila sa isat-isa.

Taong 2017 ng makapagtapos ng kolehiyo si Dominique sa kursong Fashion Design sa Istituto Maragoni sa bansang London at bukod doon ay isa rin siyang editor ng Preview Magazine.

Photo credits: dominique | Instagram

Si Dominique ang nagiisang anak ni Gretchen kaya naman tutok na tutok ito sa mga pangangailangan ng kanyang anak. Todo suporta din si Gretchen sa mga desisyon at pangarap ni Dominique sa kanyang buhay.



Madami din ang humahanga kay Dominique dahil sa pagiging independent nito at sa murang edad niya ay alam na niyang mamuhay ng tama at naayon sa kanyang gusto.

Photo credits: dominique | Instagram

Hindi lang sa mukha magkapareho si Dominique at ang kanyang ina na si Gretchen dahil pareho din silang mahilg sa fashion at mga luxury brands. Sa katunayan niyan ay si Gretchen ang isa sa mga modelo ni Dominique sa kanyang inilabas na fashion collection na pinangalanan nyang “La Dona”. Bukod sa Preview Magazines at La Dona, isa din si Dominique sa mga mukha na makikita nyo sa bench.

Photo credits: dominique | Instagram

Mahilig din siya magtravel at plano niyang libutin ang buong mundo.

Photo credits: dominique | Instagram

Sa kabila ng gulo sa pagitan ng kanyang tita Marjorie, mga pinsan niya at ng kanyang ina, mas pinili niyang tumahimik nalang at huwag makisawsaw sa away nila. Ayon Dominique, ganoon daw siya pinalaki ng kanyang mga magulang ang hindi nakikialam sa usapan o away ng mga matatanda.



Dagdag pa ni Dominique sa isa sa mga interview niya na nagpapasalamat siya at nagkaroon siya ng isang ina na puno ng karunungan at tinuruan siya ng tamang asal.