Kilalang magaling na dancer , comedian actor at isa ring mabuting ama si Ferdinand Hipolito Navarro na mas kilala natin bilang Vhong Navarro na dating miyembro ng pangkat na mananayaw na Streetboys.
Bumida siya sa romantic comedy Box Office Movie na “My Only You,” kasama ang batikang aktres na si Toni Gonzaga, kung saan magksama nilang pinaiyak at pinasaya ang maraming manonood sa kwento ng kanilang masayang buhay pag-ibig.
Sa totoong buhay naman, hindi man naging maganda at makulay ang lovelife ng aktor na si Vhong sa kanyang dating asawa at partner na si Bianca Lapus dahil nauwi din ito sa hiwalayan pagkatapos ng sampung taon, naging maganda din ang mga kani-kanilang bagong buhay kapiling ang mga bago nilang mahal sa buhay.
Matatandaang ikinasal silang dalawa noong 1998, kung saan sila ay biniyayaan ng anak na lalaki. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nanatili namang maayos ang kanilang ugnayan para sa kanilang anak na si Isaiah.
Hindi man nakuha sa take one at ng linyang “I do” ang kanyang unang minahal at inibig, maganda naman ang ibinigay sa kanya ng kapalaran dahil sa likod din pala ng tabing at pelikula niya makikilala ang babaeng muling magpapatibok ng puso niya —si Tanya Winona Bautista, isang premyadong writer ng sikat na mga teleserye na bumihag sa mga puso ng Kapamilya viewers.
Isa sa pinaka sikat niyang teleseryeng isinulat ay ang “Halik,” at nagkrus ang landas nila ng hindi inaasahan sa taping at set ng pelikulang “My Only You,” kung saan si Vhong ang gumanap sa lead role at si Tanya naman ay writer ng nasabing pelikula.
Ngunit gaya ng karaniwang mga relasyon, sinubok din ang katatagan ng kanilang pagsasama ng lumabas ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Vhong na kinasangkutan ni Denise Cornejo kung saan bumuhos ang suporta ng mga kaibigan at kapamilya nila.
Dahil pa nga sa hindi inaasahang pangyayaring ito, mas higit na pinagtibay ang kanilang pagsasama kung saan natutunan nila magbigay ng pang-unawa at magbigay ng pagkakataon higit sa lahat ang magpatawad.
Pinatunayan ni Vhong at Tanya na hindi man ganoon kadali ang mga pangyayari sa tunay na buhay hindi gaya ng mga “role” at linya na katulad sa pelikula na pwedeng palitan at baguhin ang mga eksena. Natutunan nila kung paano mapapanatiling matibay ang kanilang pagsasama at ang mas mahalaga ay ang pag-ibig na hindi lang pang take-one lang kung hindi pang habang buhay na at may happy ending pa.