Kapamilya “LizQuen” Rumampa bilang ‘White Chicks’ sa ABS-CBN Star Magic Ball

Kakaibang costume ang ang ipinamalas ng Kapamilya love team na sina Liza Soberano at Enrique Gil na mas kilala bilang “LizQuen”. Ang proud couple ay dumalo sa Black Magic ng Star Magic Ball, kung saan ay nagpanggap sila bilang sina Maitland Ward at Anne Dudek ng ‘2004 Hit Movie na White Chicks’.



Ayon pa kina Liza at Enrique, para sa kanila ang nasabing Halloween party ay isang pagkakataon na magbihis sa kung sinuman ang nais mo. Napagpasiyahan ng proud Kapamilya couple na sa taong ito na maging kakaiba, kung kaya nagbihis sila ng katulad sa mga iniidolong karakter sa movie na White Chicks. Sa isang larawan nga makikita ang magkasintahan na nagpose pa katulad ng isang eksena sa nasabing pelikula.

Photo credits: push

Ibinahagi din ng magandang aktres na dahil sa paborito talaga nila ang nasabing pelikula lalung-lalo na ang gwapong kasintahan kaya ito ang napili nila. Sa isang panayam pa nga kay Enrique sinabi niyang “White Chicks is one of our favorite movies of all time, so I mean why not, diba? Pag Halloween dapat all out, hinid dapat KJ. Have fun it’s all about the spirit of Halloween” , sabi pa ng aktor.

Sa isang banda sinabi inamin ng “My Ex and Whys “ na aktres, na ideya talaga niya na maging kakaiba ngayon at hindi na maging katulad ng ibang dadalo na magbibihis ng nakakatakot na kasuotan. Kung kaya napagkasunduan nilang maging nakakatawa naman ngayong taon. Sinabi din ni Liza na kinailangan pa niyang pilitin ang kasintahan dahil noong una ay nahihiya pa ito at sa kalaunan ay napapayag din.



Inamin naman ng dancer na aktor na may natutunan din siya sa kakaibang karanasan, ayon pa sa kanya ngayon ay batid na niya ang hirap na pinagdadaanan ng isang babae mula sa simpleng pag-aayos ng sarili hanggang sa challenging na pagsusuot ng high heels. “I’m wearing heels right now, iba na ang respeto ko sa mga babae, I must say that grabe ang sakit sa paa”, pahayag pa ng Aktor.

Sa kabilang banda, iba man sa nakagawiang isinusuot ng mga dumadalo sa taunang Halloween event, dahil sa piniling costume nagawang iuwi ng LizQuen ang Best-in-Costume sa engrandeng Halloween custome party. Wagi din ang mga kapwa nilang love duo na “MayWard at “KathNiel”.

At ayon pa isang ulat, matapos magtrend sa social media ang mga larawan nila Liza at Enrique nagtweet ang aktor na Marlon Wayans isa sa mga actor sa White Chicks, iniretweet niya ang mga litrato ng LizQuen.

LizQuen steals spotlight at the Black Magic 2019 with their White Chicks-inspired costumes | Push TV

source: push