Noong 2010, ang kilalang aktres sa teatro, pelikula at telebisyon na si Eugene Domingo ay nagdesisyon na ituloy na ang pagrerenovate sa kanyang 60sq kondominyum kung saan nakakasama niya ang kanyang dalawang alagang Shih Tzus.
Sa gagawing pagpapaayos ng kaniyang kondo, kinausap niya ang dating Creative Director ng “Real Living Magazine” na si Gwyn Guanzon. Lumipat si Eugene sa parehong building din habang hindi pa tapos ang pagpapa-ayos ng kaniyang unit.
Sa mga hindi nakakaalam mayroong konting drama sa likod nito, kung saan ginamit niya ang kanyang galing sa pag-arte sa mga trabahador ni Gwyn sa pag-aakalang mapapabilis noon ang paggawa ng kanyang kondo.
Sa pagtatapos ng nasabing proyekto ni Eugene, masasabing isa itong tagumpay dahil sa magandang kinalabasan nito, “Kahit na matagal akong wala, walang tao dito, pagbabalik ko, I still feel home” na iyon naman talaga ang tunay na mahalaga sa lahat.
LIVING AREA
Sa lugar na ito makikitang pinagsama ang kombinasyon ng makaluma at makabago, isang modern cowhide rug anchors, wooden daybed at isang tradisyonal na upuan. Samantala ang sahig ay pinasadyang magaspang dahil sa kahilingan na rin ni Eugene. Gayundin ginawa ni Gwyn na lagyan ng bagong semento ito upang makalikha ng kakaiba, na parang makinis na pero hindi pa tapos na kakalabasan na siguradong magugustuhan ng sinuman.
Ayon pa sa komedyanteng aktres nakalimutan na niya ang uri ng kahoy kung saan yari ang kaniyang “daybed”, pero isa lang ang sigurado niya, “Hindi siya ka-ranggo ng dos por dos” pabirong sabi ni Eugene.
Mga sliding doors ang nagsilbing harang sa living room at kitchen, makikita din nakasabit ang painting ng namatay na aso ni Eugene na si “Shakespeare” isang Golden Retriever.
DINING AREA
Sa lugar na ito agaw atensiyon ang isang “Vito Selma” na dining table siyang sentro din ng lugar kainan. Ang gulo-gulong nitong paanan ay nababalot ng dahon ng tobacco at pinatungan ng pandikit upang panatilihin ang natural nitong kulay.
Samantala nakasabit ang isang chandelier na idinisenyo ni Gwyn, na yari sa sanga ng bonsai at pininturahan ng kulay itim, silver at puti.
Napapalibutan ang bukod tanging nakakabit na ilaw ng mga bulbs at isang ginawang pakpak ng anghel. Gayundin mayroon din isang malaking salamin na nagpapakita ng “dash glam” na bumabagay sa “earthy vibe” nito.
DÉCOR DETAIL
Sa isang bahagi ng lamesa makikita ang tatlong tropeyo na napanalunan ni Eugene sa Cinemalaya Independent Film Festival sa kategoryang Best Supporting Actress Award for 100 noong 2008. Samantala ang iba pang mga tropeyo ay sa malapit na kaibigan at kapitbahay na si Chris Martinez,
LANAI
Sa katunayan mismong si Eugene ang nag-ayos sa kanyang lanai ng koleksiyong “framed postcards” galing Europe, na bigay umano ng kaibigang si Aureaus Solito na isa ring matagumpay na film director.