Kakaibang Prenuptial Pictorial Nila Dianne Medina at Rodjun Cruz Sa Cappadocia Turkey Isinapubliko

Dalawang buwan bago ang kanilang pag-isang dibdib ibinahagi ng soon to be Mr and Mrs Medina-Cruz ang mga bukod tanging larawan ng kanilang pre-nuptial wedding na kinuhanan sa sikat na lugar sa Cappadocia, Turkey.



Maraming netizen ang napa-wow sa mga larawan ng proud couple na kanilang ibinahagi sa social media. Dahil sa bukod mga mamahaling damit na kasuotan tunay naman na nakakabighani ang lugar na piniling pagdausan ng kanilang pre-wedding pictorial.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Sa isang larawan nga na ipinost ni Diane sa kanyang Instagram makikitang proud na proud ang magkasintahan habang nakapose. Isang mamahaling red gown ang suot ng dating “Star Magic” talent, samantala ang gwapong aktor naman ay pormal na pormal sa naka-coat at long sleeve.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Proud naman na ibinahagi ng aktres na ang kanyang isinuot na gown ay nagbigay din sa kanya ng kakaibang challenge dahil ito ay tumitimbang lamang daw ng 30 kilo.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Sa mga larawang ibinahagi naman ng “Alyas Robin” actor, makikita ang dalawa na sweet na sweet habang napapaligiran sila ng makukulay na Turkish design. Casual na casual lang ang damit ni Rodjun na nakasuot ng puting sando habang naka-suspender, sa kabilang banda nakasuot naman ang magandang aktres ng isang white knitted na dress.



Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Labis labis naman ang pasasalamat ng magkasintahan na naging successful ang nasabing pictorial sa tulong ng Nice Print Photography na humawak sa kanilang pre-nuptial photography. Diumano sila ang naging daan upang makuhanan ng nakakamanghang larawan ang magkasintahan habang makikita ang mga naggagandahang view sa Cappadocia.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Sa katunayan nga labis na napahanga ang mga fans nila Rodjun at Dianne ng makita nila ang dalawa habang may mga hot air balloons na lumilipad bilang background. Ilan mga netizen pa nga ang hindi maiwasang magbigay ng mensahe at sinabing para isang fantasy movie ang pre-nuptial pictorial ng magkasintahan.

Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Ilang mga kasamahan naman mula sa showbiz at mga malalapit na kaibigan ang nagpa-abot ng pagbati sa soon to be married couple kagaya ng mga aktres na sina Angelika Dela Cruz, Valeen Montenegro, at ang Miss World Philippines na si Laura Lehmann. Bumati din ang aktor na si Marco Alcaraz at ang professional PBA player na Jericho Cruz.



Photo credits: rodjuncruz | Instagram, wwww.niceprintphoto.com

Sa ika-21 ng Disyembre mangyayari ang once in a lifetime moment ng dalawang magkasintahan. At gaganapin ang engrandeng event sa Manila Cathedral na dadaluan ng kanilang pamilya, malalapit na kaibigan at mga kasamahan sa industriya ng showbiz. Binigyan nila Rodjun at Dianne ng official hashtag na “RodtoForeverwithDianne” ang kanilang nalalapit na kasal.