It’s Showtime Host Anne Curtis, Kailan Nga Ba Balak Magka-anak?

Kamakailan lamang ay nagbigay na ng pahayag ang aktres at host na si Anne Curtis ukol sa karaniwang tanong sa mga kababaihan sa Industriya: kung kailan niya balak magbuntis.

Matatandaang ikinasal ang It’s Showtime host na si Anne kay Erwan Heussaff noong ika-12 ng Nobyembre 2017, sa Queenstown, New Zealand, pagkatapos ng 6 na taon nilang pagsasama bilang magkasintahan.



Kamakailan lamang, ang naturang host ng It’s Showtime ay tinanong kung kailan ba nila balak ‘magkaanak’ at bumuo ng sariling pamilya ng kayang asawang si Erwan. Ang sagot ni Anne sa tanong na ito, isang emosynal at napakamakahulugan pahayag.

Ipinaliwanang ni Anne, kung gaano kasakit na napkaraming tao ang nagtatanong sa kanya kung kailan ba nila balak magkaroon ng ‘Unang Anak’. Ang kanyang pahayag ay nagapan sa press conference para sa inaabangang selebrasyon ng ika-10 Anibersaryo ng It’s Showtime.

Dagdag pa ng aktres, ito ay magaganap kung loloobin ng Diyos at sa Kanyang itinakdang tamang panahon lamang. Hindi niya na din inaksaya ang oportunidad na ito upang ihayag sa lahat lalo na sa mga tao sa press na sana’y tigilan na ang pagtatanong sa mga kababaihan kung kelan ba nila balak mag kaanak at magsimula ng sariling pamilya dahil ang totoo ay hindi naman nila batid ang pinagdadanan ng mga ito.

Ibinahagi rin ng sikat na Kapamilya actress na marami siyang kaibigan na na lagay sa parehong sitwasyon at narinig din ang parehong tanong. Ang totoo ay labis din nilang kinasasabikan ang magkaroon ng sariling pamilya kaya’t hindi nakakatulong kung tatanungin pa sila tungkol dito.



Binigyang diin nya na kung darating na ang oras na itinakda ng Diyos na sya ay pagpalain ng kanilang magiging anak, sya ay handa anumang oras na tanggapin ito. Idinagdag pa nya na hindi sana magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa press ukol sa kanyang opinyon dahil sya ay nagsasalita alang alang sa bawat kababaihan na kapareho nya ng pinagdadaanan.

Ang mga binitawang salita ni Anne ukol sa kanyang opinyon ay tumanggap ng magkakaibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. Karamihan ay sumuporta sa Kapamilya host at hiniling ang pagdating ng inaasam na biyaya ng Diyos sa tamang panahon.

Hindi madali ang maging isang ina – ang magdalang tao at maghatid ng isang panibagong buhay sa mundong ito. Subalit bawat sakripisyo at sakit ay sulit kung iyong makikita ang napakagandang biyaya ng kagalakan na pagpapala ng Diyos. Nakakalungkot lamang na sa ating panahon, maraming tao ang nagiging insensitibo na nagsasabi ng mga salita na nakakasakit sa kanilang kapwa at pinagsasawalang bahala ang nararamdaman ng iba.

source: girlfriendknowsbest