Havana Getaway ni Dance Princess Maja Salvador at Bf nitong si Rambo Nunez Ipinasilip sa mga Netizens

Pinagkakaguluhan ngayon ng mga milyun-milyong followers ng Dance Princess na si Maja Salvador ang kanyang mga bagong litrato na ipinost sa kanyang IG account. Makikitang kasama niya rito ang boyfriend na si Rambo Nunez habang nagbabakasyon sila sa Havana, Cuba, para sa extended birthday celebration ni Maja.

Ang Havana ay sinasabing pinakamalaking lugar sa Cuba, at ito rin and capital city ng naturang bansa. Hindi naman maitago ni Maja ang saya at kilig sa kanilang “out-of-the country getaway” sa isa niyang IG post, kung saan sinabi niya na, “Happy to be with you Mi Amor.”



Enjoy na enjoy naman ang “lovely couple” habang namamasyal sa magaganda at makukulay na lugar sa Havana, Cuba, gamit ang pulang sasakyan na may lumang disenyo ng pang 1950’s.

Photo credits: iammajasalvador | Instagram 

Nito lamang ika-5 ng Oktubre ng ipagdiwang ng Kapamilya actress ang kanyang kaarawan. Ngunit bago pa man ang kanilang romantic na bakasyon, tumanggap muna ng papuri ang award-winning sa prestihiyosong Asia Contest Awards 2019 na ginanap sa Busan, South Korea kung saan iniuwi niya ang titulong “Best Actress” sa teleseryeng Wild Flower, para sa mahusay niyang pag-ganap sa karakter na si Lily Cruz/Ivy Aguas.

Photo credits: iammajasalvador | Instagram

Kasama din niya lumipad papuntang South Korea si Rambo na nagsilbing escort ng aktres. Sa mga larawan na ipinost sa social media ay hindi maitago ang tuwa at pagka-proud ni Rambo Nunez sa parangal na natanggap ng kanyang magandang kasintahan.

Photo credits: iammajasalvador | Instagram



Photo credits: iammajasalvador | Instagram

Simula ng muling pag-babalikan nilang dalawa matapos ang siyam na taong paghihiwalay ay naging bonding nila ang pagbabakasyon sa iba’t ibang panig ng bansa, kabilang na ang mga sikat na lugar at mga kilalang tourist spots.

Photo credits: iammajasalvador | Instagram

Nitong nakaraang Marso nga lang ay pumunta sila sa Amanpulo Palawan pagkatapos ng napabalitang muli nilang pagbabalikan. Ibinagi din nila Maja at Rambo sa kanilang Instagram account ang mga magagandang kuha nilang dalawa habang masayang nagbabakasyon sa Palawan.



Photo credits: iammajasalvador | Instagram

Bukod pa dito ay napuntahan na rin ng magkasintahan ang iba pang mga naggagandahang beach sa ating bansa gayundin ang mga sikat na tourist destination sa ibang bansa sa Switzerland, Italy at Bali, Indonesia.

source: push