Josefina Loisa Franscisco Andalio ang buo niyang pangalan, tinawag din siyang “Talented Darling Ng Paranaque” noong umere sa telebisyon ang 5th regular season ng Kapamilya reality TV show na “Pinoy Big Brother.”
Nitong nakaraan lamang ay ipinakita ni Loisa sa ang publiko sa kanilang dating tirahan noong bago siya naging house mate ni Kuya sa PBB. Bukas sa publiko ang kanyang dating buhay kung saan ay inamin niya na nangungupahan lamang sila ng kanyang pamilya sa apartment sa loob ng maraming taon, kung kaya pangarap niya maipagpatayo sila ng sarili nilang bahay.
Sa nasabing “house tour” nabanggit niya parang walang nagbago sa kanilang tahanan, pakiramdam niya ay gaya pa din ito ng dati. Sa pag-iikot niya sa dating sala ng kanilang bahay, ipinakita niya na katabi lamang nito ang kanilang dining area at isang bagay lamang ang nagbago kumpara sa dati, “Yung kisame lang ang naiba” dagdag pa ni Loisa.
Bukod pa dito pabiro din niyang ibinahagi na ang ang tungkol sa “hi-tech” nilang palikuran na may nakasabit na sign board na may nakasulat na “May Tao” at “Walang Tao” para lang malaman na may tao sa loob dahil walang door knob ang pinto nito.
Nagulat din si Loisa na tila ba halos wala talagang pinagbago ang parteng iyon ng kanilang dating tahanan, kaya naman nabanggit niya na, “Oh my God, yung amoy, grabe (yung timba), at yung inidoro naming hindi talaga nagbago, at yung lalagyan ng (shampoo at sabon) namin iyan pa rin talaga siya, walang nagbago, tanging kisame lang. At wala pa rin siyang door knob, consistent.”
Sa ngayon, ibinahagi niya na sinimulan na niya ang pagpapatayo ng pangarap nilang tahanan, kamakailan nga lang ay nakuha na din ng batang aktres ang isa pa sa mga pangarap niya, ang makapagpundar ng sasakyan.
Sa Cavite niya napiling ipatayo ang tatlong palapag na bahay na masasabing pagmamay-ari na ng kanilang pamilya.
Sa isang online post nga ni Loisa, ipinapakita niya ito at nasabi sa kanyang sarili, “Trabaho pa, Loisa, para matapos na”.
“After 20 years na nakikitira lang kami, natupad din yung pangarap ko na magkaroon kami ng sariling bahay” banggit pa Niya, “Yung matatawag namin na bahay talaga naming,Thank You Lord”, dagdag pa ni Loisa habang nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap niya at na kanyang mahal na pamilya.
Tunay nga na sa pagpupursigi ng isang tao na makamtan ang kanyang pinapangarap ay maaring makuha basta’t samahan lamang ng sipag, tiyaga at dasal, gaya na lamang ng simpleng pangarap na ito ni Loisa para sa kanyang pamilya.