Hawak ang kapangyarihan ng brilyante ng lupa nagagawang pagalingin ang mga sugat at pinsala. Nagawa niyang ipagtanggol ang kaharian mula sa mga kalabang Hathor at dahil sa angking katapangan hinirang ang natatanging Sanggre Danaya bilang Reyna ng Lireo.
Ang Kapuso Actress na si Diana Zubiri ang nagbigay buhay sa kalahating Diwata kalahating Sapirian na si Sanggre Danaya na bumihag sa mararaming televiewer ng Pantaseryeng “Encantadia”. Kasama ang iba pang Sanggreng ginanapan nila Iza Calzado, Sunshine Dizon at Karylle na nagbigay ng kakaibang pagganap sa mga natatanging diwata.
Marami ang humahanga sa magandang aktres na sa totoong buhay ay si ‘Rosemarie Joy Garcia-Smith dahil anumang role ang ibigay sa kanya ay nagmamarka sa kaniyang mga fans. Pero lingid sa mga hindi nakakalam ang proud Kapuso Actress ay may angking din galing sa larangan ng business.
Dahil matapos ang 15 taon bilang Sanggre at Reyna Danaya namamayagpag ngayon ang aktres dahil sa pagiging magaling na business woman. Katulong ang asawang Filipino-Australian Model na si Anthony Smith sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo pinatunayan ni Diana na hindi lang sa harap ng kamera siya mahusay bagkus maging sa paghahandle ng personal nilang kabuhayan.
Ilan nga sa pinagmamalaking negosyo ng Kapuso Artist ay ang franchise niya na Siomai King at Potato King na patok na patok sa panlasa at budget na makikita sa Lagro at Maginhawa QC maging sa Marikina Public Market. Ibinahagi pa nga ni Diana ang isang larawan nito upang makahikayat ng customer sa kanyang Instagram Account.
Bukod pa sa kanyang food business mayroon ding siyang pinapaupahang labindalawang apartment unit at dalawang condominium unit na nabili nilang mag-asawa mula sa kita sa huling proyekto niya na “Dragon Lady”. At sa tulong ng online marketplace na Airbnb magagawa nila itong parentahan.
Sa kabilang banda ang mga beauty products mula sa kanyang business na beauty soap na “Beauche International by Diana Zubiri” ay maaring mabili sa kanilang office sa Marikina City. Bukod pa dito may sariling clothing line din ang 34 taong gulang na aktres na G3 at Be Amazing na muli niyang ilalaunch kasabay ng pagpapalit ng pangalan nito.
Ibinahagi pa ng Kapuso Atrist na ang tagumpay niya sa negosyo ay naging posible dahil na rin sa tulong ng kanyang asawa. Ayon pa sa kanya sa lahat ng kanilang mga negosyo ay magkasama nilang pinasok upang maging matagumpay. Sa katunayan pa raw sa tuwing may proyekto siya ang kanyang partner na si Anthony ang nagmamanage nito.
Subalit sa lahat ng mga naabot niya sa showbiz at business, ibinahagi ng aktres na may plano sila ng kanyang pamilya na manirahan sa bansang Australia kung saan ipinanganak ang asawa. Isinasa-alang alang din nila ang kagustuhan ng kanilang panganay na anak na gusto ring manirahan doon.
source: definitelyfilipino