“DABARKADS” Joey De Leon Binalikan ang Dating Pagiging Kapamilya Talent at DJ

Marami ang marahil hindi nakakalam na ang kilalalang Dabarkads ng “Eat Bulaga” na si Joey De Leon ay minsang naging parte ng ABS-CBN network, kung saan naging Talent at nagtrabaho doon bilang DJ/announcer.



Sa kasalukuyan, isa ang Kapuso Actor na si Jose Maria “Joey” De Leon na maituturing haligi sa Industriya ng Telebisyon, dahil sa galing niya sa pag-arte lalo na sa larangan ng pagpapatawa at ito ang naging daan upang kunin ng mga kilalang network. Isa na dito ang Channel 5 kung saan kinuha siya bilang TV host sa programang “Wow Mali” na talaga naman kinagiliwan at nagbigay katatawanan sa maraming Pinoy viewers.

Sa maraming taon na lumipas, nanatili pa rin ang kinang at dalang saya ng longest running noon time show na Eat Bulaga. Marami ang talaga namang inaasam ang mga papremyong hatid ng programa kabilang na ang annual promo “kapuso milyonation” na kung saan ang gumawa pala nito ay ang Pinoy Henyo Master na si Joey. Isa lamang ito sa kanyang mga proyektong ginawa para sa Eat Bulaga.

Hindi maitatanggi na napakalayo ng ng narating niya sa mundo ng showbiz, lalo na sa kasalukuyang network na kaniyang kinabibilangan. Kaya marami ang nagulat ng ibahagi niya kamakailan na minsan din pala siyang naging isang Kapamilya.

Para sa column niya sa Philippine Star, gumawa siya ng tula na kung saan ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pagiging dating Kapamilya. Isinaad niya na pumirma siya ng kontrata noong 1969 sa pangalang Jose Mari dahil hindi pa siya kilala bilang Joey, gayundin ang kanyang suweldo na dalawandaang piso pa lamang.



Ayon din sa kanya nagsimula siya bilang announcer at naging commentator din sa DZYK-FM, na parte din ng ABS-CBN.

Sa instagram Account ng premyadong aktor isinapubliko niya ang larawan ng kanyang ID noong panahong siya pa ay talent ng Kapamilya network na patunay lang na mahalaga kay Joey ang mga panahon na bahagi pa siya ng ABS-CBN.

Sa katunayan, bago pa man natin napanuod ang noontime show na Eat Bulaga sa Kapuso GMA, dati itong napanuod sa Kapamilya network sa loob ng anim na taon subalit napilitan itong lumipat sa kadahilanang hindi sumang-ayon ang producer ng Eat Bulaga ng subuking bilhin ang rights nito ng ABS-CBN.

Naging kontrobersiyal din ang Kapuso TV host-actor ng sabihin niyang diumano ay may dayaang nagaganap sa dating Kapamilya show na “Wowowee” kung saan nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Willie Revillame host ng nasabing programa na ngayon ay kasamahan na rin sa GMA-7.

Bagama’t nagkaroon ng ganitong issue, naayos din kalaunan ang relasyon ni Joey sa ABS-CBN at muli siyang naging bahagi ng isang malaking proyekto nito kung saan naging kasamahan niya sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa pelikulang “Won’t Last A Day Wihout You”



Bukod pa dito, pumayag din si Joey at sina Bossing Vic Sotto at Senator Tito Sotto na maging bahagi ng Star Music Recording ang kanilang mga sikat na kanta na naiproduce sa ilalim ng VST and Company noong 2015.

source: definitelyfilipino