Si Janelle Amanda Loyola Avanzado o mas kilala natin na si Jayda Avanzado na isa din sa member ng ASAP squad. Kasama niya sa sa programa ang mga kapwa nya young talents na sila Ylona Garcia, Lala Vinzon, Kyle Echarri, at Jeremy Ginoga. Sa kasalukuyan isa si Jayda sa mga hinahangaan at itinuturing na “most followed young artists” sa mundo ng showbiz.
Bukod sa kanyang angking talento sa larangan ng musika, marami rin ang humahanga sa kanyang kagandahan. Ito di umano ang dahilan ng siguradong pagka pasok nya sa Showbiz. Kanino nga ba nya namana ang mga ito? Wala ng iba pa kundi sa kanyang mga magulang na hinahangaan din ng marami at tinuturing na alamat sa pagkanta – sila Jessa at Dingdong Avanzado.
Hindi rin maitatanggi na pagdating sa pisikal na aspeto, lamang ang nakuha niya mula sa kanyang napakaganda at tisay na Mommy Jessa.
Ang ina ni Jayda na si Jessa Zaragosa o Richelle Ann Mallari Loyola sa totoong buhay ay isang sikat na aktres ay kilala din bilang “Phenomenal Diva” at “Jukebox Queen of the 90s”. Isa sa kanyang mga sikat na kanta ay ang carrier single “Bakit pa?” na napabilang sa top 40 hit noong 1997 hanggang 1999 at naging number 1 ballad sa buong bansa.
Noong March 18, 2001, pinakasalan niya ang singer at policitian na si Dingdong Avanzado at dahill sa kanilang kasikatan, ang kanilang kasal ay pinalabas sa mga programa sa telebesyon at ibinalita din sa mga diaryo. Nanirahan din sila sa Vallejo California kung saan sila ay binansagan na Prince of Pop and Jukebox Queen of the Philippines. Nabiyayaan naman ang mag-asawa ng isang anak na babae na ngayon nga ay labing anim na taong gulang na.
Kahit maraming positibong komento mula sa netizens patungkol kay Jayda, hindi rin maiiwasan na magkaroon siya ng mga online bashers o mga taong ayaw sa kanya.
Matatandaan umugong din sa Social Media ang kanyang pangalan nitong Marso dahil din sa mga negatibong pahayag at pananalita na laban sa kanya. Dahil dito, hindi napigilan ng kaniyang ina na si Jessa ang mag-post sa kanyang account upang ipagtanggol ang kanyang anak laban sa mga negatibong pahayag mula sa mga walang pusong tao.
Bukod pa sa kanyang ina, ang kanyang malapit na kaibigan at kapwa young singer na si Darren Espanto ay di nanahimik at dinepensahan din sya laban sa kanyang mga online bashers. Ang ginawang ito ni Darren ay pinuri naman ng ama ni Jayda na si Dingdong.
Ang mga ganitong pangyayari ay di naman maiiwasan, lalo pa’t nasa mundo sila ng showbiz kung saan ang bawat galaw at salita nila ay madalas mapansin ng publiko. Sabay pa rito ang kasabihan na hindi lahat ng tao ay maari nating makasundo o maka palagayan ng loob.
Gaano man natin gustuhin, may mga tao na sadyang hindi positibo ang pananaw sa lahat ng ating ginagawa. Kung kaya naman mas mabuti na piliin natin na gawin na lamang ang mga bagay na magpapasaya sa atin, kaysa ituon ang ating atensyon sa mga tao na tanging mga negatibong bagay lamang ang napupuna.