Si Albert Pineda Martinez ay isa sa kilala at hinahangaang artista mula pa noon hanggang ngayon. Lalo na ngayon at sunod sunod ang mga proyekto na kanyang natatanggap katulad nalang ng katatapos niya na teleseryeng The Generals Daughter. Kilala din bilang producer si Albert at ilan sa mga obra nito ay ang Rosario (2010), Rizal sa Dapitan (1997) at Segurista (1996).
Taong 1985 ng ikinasal si Albert Martinez kay Liezel Sumilang at biniyayaan sila ng tatlong anak at ito ay sila Alissa, Alyanna at Alfonso. Taong 2008 ng madiagnoze si Liezel ng breast cancer pero nakasurvive siya dito. Ngunit ng taong 2011 naman ay nadiagnozed siya ng lung c@ncer at pagkalipas ng apat na taon ay pumanaw din ito.
Mula noon ay si Albert na ang tumayong ina at ama sa kanilang tatlong anak pero malalaki narin naman ang mga ito.
Kamakailan lang ang isa nga sa anak ni Albert at Liezel na si Alissa ay ikinasal na sa matagal na nitong kasintahan na si Paulus Reyes. Ikinasal si Alissa at Paul sa Banff, Alberta, Canada nitong nakaraang biyernas lang. Matatandaan na naengage ang dalawa noong nakaraang Desyembre taong 2018 kung saan nagiwan ng napakagandang mensahe si Albert sa dalawa.
Sa hindi naman inaasahang pagkakataon ay naunang pumanaw ang lola ni Alissa na si Amalia Fuentes, ina ni Liezel, dalawang linggo bago sila ikasal. Si Amalia Fuentes ay isa ding kilalang artista tulad ng ina at ama ni Alissa at ito ay pumanaw sa edad na 79. Sinabi naman ni Alissa sa isa sa mga post nito na “Now we have two angels guiding us and protecting us.”
Nagbahagi din si Albert ng mga larawan nila ng kanyang byenan nung ito ay nabubuhay pa. Sa kabila ng nakakalungkot na pangyayari bago ikasal si Alissa ay matagumpay pa din nila nairaos ang kanilang kasal
Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng Nice Print sa kanilang Instagram post ang napakagandang kasal ni Alissa at Paul na may view ng snowy peaks.
Narito at ating tingnan ang iba sa kanilang larawan.