“Ding ang bato”naalala niyo pa ba kung kaninong linya ito. Mula lang naman ito sa nag-iisang “Pinay SuperHero” na si Darna. At talaga naman bumihag sa puso ng mga pinoy simula ng ito ay ipakilala ng batikang Filipino Comic Artist na si Mars Ravelo.
Ang bukod tanging local superhero na labing apat na beses ng napanuod sa pelikula. At apat na beses naman na naipalabas sa telebisyon.
Marami na rin ang mga sikat na artista ang gumanap kay Darna mula pa sa kilalang movie Queen na si Rosa del Rosario noong taong 1951 hanggang sa Kapuso Actress na si Marian Rivera.
Sa kabilang banda, hindi rin naman matatawaran ang pagganap ng aktes na si Nanette Medved ng mabigyan siya ng pagkakataon na gumanap bilang Darna. Dahil sa pagganap niya naging bukang bibig ang aktres mula sa simpleng maybahay hanggang sa mga naglalakihang pahayagan.
Marahil marami ang hindi nakakaalam kung bakit nagawa niyang iwan ang showbiz at malayo sa ningning ng pinilakang tabing, dahil mas pinili ng dating aktres ang paglilingkod sa mga tao.
At ayon pa sa aktres wala siyang pagsising nararamdaman dahil natagpuan niya ang kanyang pinapangarap, ang makatulong sa mga kapos palad at isang pamilya na naging kaagapay sa buhay.
Sa ngayon ang 49 taong gulang na aktres ay isa ng Philanthropist na tumutulong sa pagtatayo ng mga paaralan sa bawat panig ng bansa. Bahagi din siya ng mga kilalang foundation.
Sa katunayan siya ang “founder’ ng Plastic Credit Exchange (HOPEx) na kilalang nagtataguyod din sa pag-iingat ng kalikasan. Kinilala siya ng Forbes na kabilang sa “Asia’s Heroes of Philanthropy”, gayundin ng Philippine House of Representative.
“I think that it’s because I love what I do. We all kind of choose to serve in our own way and so this is the way I choose to serve and so there are no regrets to that. Plus I have an amazing family, a great life, and I get to do this really meaningful work” pagmamalaki pa ng aktres.
Huli siyang nakita sa pelikula katambal ang nag-iisang “Da King” ng pelikulang Pilipino kung saan sinabi ng magandang aktres na hindi niya kayang tanggihan ang premyadong aktor na si Fernando Poe Jr.
Masasabi nating gaya ng role niya bilang si Darna, hindi mo kailangan na maging “superhero” para lang makatulong sa kapwa dahil pwedeng katulad ka lang ni Narda sa simple at makubuluhan mong pamamaraan.