Lalaki Iniwan ang Asawa para sa Mas Bata at Seksing Babae, Makalipas ang Ilang Taon Nadurog ang Puso ng Lalaki ng Magkita ulit sila ng Dating Asawa

Isang lalaki ang iniwan ang kanyang pamilya kapalit ng isang mas bata at seksing babae na kanyang nakilala. Ang mag-asawa di umano ay kasal na sa loob ng halos sampung taon nang iwanan ng lalaki ang kanyang asawa at mga anak. Ngunit malipas ang ilang taon, nadurog ang kanyang puso nang muli nyang makita ang dating asawa.



Basahin ang kanyang kwento sa ibaba:

15 years na kami ng aking asawa noon at iniwan ko siya dalawang buwan bago ang aming 10th anniversary. Mayroon kaming mga anak na teenager na ngayon ngunit pito at siyam na taon pa lamang noong sila’y aking iwan.

for illustration purpose only

Madalas ako magtravel dahil sa aking trabaho. Tatlong beses isang lingo ay sa hotel ako nanunuluyan. Dito ko nakilala si Eve.

Kasal din siya at may dalawang anak. Napakarami naming pagkakapareha kaya madali kaming nagkasundong dalawa.

Naging friends kami sa facebook at lagi nang magkachat palagi simula noon. Masaya siyang kausap. Araw gabi lagi kaming nagmemessage sa isa’t isa. Hindi ko na namalayan na ako’y unti unti nang nahulog sa kanya.

for illustration purpose only

for illustration purpose only

Ito ay nangyari sa mga panahong hindi na ako masaya sa aking asawa. Tinatamad na akong umuwi. Tumaba na ang aking misis, lagi siyang mukhang haggard at miserable. Bihira narin kami mag-usap dalawa.

Huli ko lang nang malaman na ang lahat ng ito ay dahil pala sa akin. Hindi ko na siya pinagtutuunan ng pansin, napabayaan ko siya. Masyado akong nahumaling sa pakikipagchat ko online sa pagnanais kong makawala sa boring na buhay kasama ang aking asawa.



Kinumbinsi ko ang sarili kong hindi naman niya talaga ako mahal, na wala siyang pakealam sa akin at napipilitan lang siyang makisama dahil sa pera.

Siya ang nag-aasikaso ng mga gawaing bahay- nagluluto, naglalaba, namamlantsa, naglilinis, nagpapakain sa mga aso at nag-aalaga ng aming anak. Lahat ng ito ay araw-araw niyang ginagawa habang siya ay may regular ring trabaho sa umaga.

for illustration purpose only

Sa tuwing kinakausap niya ako, pakiramdam ko ay palagi siyang galit at nagsesermon. Lingid sa aking kaalaman na siya pala ay nanlilimos lang ng kaunting atensyon mula sa akin- na kahit minsan ba ay ilabas ko naman sya, magdate, manuod ng sine, mag-outing- lahat ng mga bagay na ginagawa ko naman pero si Eve ang aking kasama.

Lagi na kaming nagtatalo- pataasan ng boses hanggang sa puntong di na kami magkarinigan. Di naming naisip na iyon lang naman pala ang dapat naming ginawa noon- pakinggan ang isa’t isa.

Dumating na ang araw na iniwan ko na sila. Sumama ako kay Eve at nanirahan kami sa kabilang bayan. Napunta sa aking dating asawa ang kustodiya ng aming dalawang anak.

Tulad ng mga hiwalay na mag-asawa , pinapayagan parin naman niya akong makita ang aking mga anak bawat dalawang linggo.

ANG BAGONG YUGTO…

Hayahay ang Buhay!

Kami ni Eve ay may napakasayang sêx life. Isang bagay na hindi ko naranasan sa dati kong asawa. Marami kaming naging kaibigan. Gusto sya ng pamilya ko. Gusto rin sya ng mga anak ko.

for illustration purpose only

Ngunit never nagpakita sa amin ang aking dating asawa. Ayaw niyang Makita si Eve, iniisip niya na tiniraidor siya nito.

Napakababaw na dahilan, napaka-childish at mapaka taas talagang pride niya. Wala talaga siyang pakialam sa aking sariling kaligayahan.

Kaya wala rin naman akong pakialam noon sa kanya kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing nagpopost ako sa facebook ng masasayang moments namin ni Eve. Sobrang saya kaya naming ni Eve kaya mamatay siya sa inggit!



Nagtagal kami ni Eve ng anim hanggang pitong taon ngunit hindi namin naisipang magpakasal. Para sa amin ay hindi na kailangan ng kasal kasal na yan basta’t kami’y masayang nagsasama. Sa loob ng 15 years namin ng aking dating asawa alam kong wala na talagang pag-asang maayos pa namin ang aming relasyon. Si Eve na ang forever ko at nais kong makasama habambuhay.

Ngunit ganun pala talaga, kahit gaano kasarap, katamis at kaexciting ang inyong pagsasama at kasarap ang inyong sêx life, may hangganan din ang lahat. Dumating ang panahong natapos na rin ang honeymoon stage namin ni Eve.

Lagi narin kami nag-aaway. Di na kami magkasundo kahit sa maliliit na bagay. Sigawan dito sigawan doon. Lahat ng mura natanggap ko na. Ayoko na ng ganito. Magulo na. Hindi na masaya.

Isang gabi nagising akong tulala, malalim ang iniisip. Narealize kong namimiss ko na ang aking dating asawa, ang ina ng aking mga anak, ang babaeng pinaksalan ko sa simbahan. Napagisi- isip kong ano kaya kung sana’y iginugol ko nalang sa kanya ang lahat ng atensyon na ibinigay ko kay Eve? Marahil hindi siya magiging miserable tulad ngayon.

Kung hindi ko lang siya siniraan sa aking pamilya at mga kaibigan, hindi sana siya itinaboy ng mga ito at iniwasan. Naging normal at Masaya sana ang kanyang pamumuhay.

Pinilit kong kumbinsihin dati ang aking sarili na hindi siya naging parte ng aking buhay, na wala akong responsibilidad na siya ay aking pagtuunan ng atensyon at pagmamahal.

ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI…

Ngunit ako’y mali. Namimiss ko na talaga ang aking pamilya. Namimiss kong kami’y buo at sama sama. Hinayaan ko silang mamuhay ng kanila lamang na walang tumatayong haligi ng tahanan.

Oo nagbibigay ako ng pinansyal na tulong ngunit hindi ko naisip kung gaano kahirap para sa aking asawa na palakihing mag-isa an gaming mga anak.

Habang kami ni Eve ay kumakain ng steak sa isang magarang restaurant, ang aking pamilya nama’y nagtitiis sa tinapay at itlog.

Wala siyang naging reklamo. Ni minsan ay hindi siya nagdemand ng pera mula sa akin.

Hindi niya ako pinigilang makita ang aming mga anak. Kahit last minute ko baguhin ang mga plano naming ay ok lang sa kanya. Kahit weekends ay isinasakripisyo niya dahil gustong makita ng kanilang lolo at lola ang kanilang mga apo. Hinayaan lang niya kami magsama ni Eve kahit nadudurog ang puso niya.

Sa loob ng 8 taon ay nanatiling single ang aking dating asawa. Ang kanyang pagiging single para sa akin dati ay isa lamang kumpirmasyon- na walang magkakagusto sa kanya, na lahat ng iniisip kong kakakulangan niya ay totoo kaya nga ganun din ang tingin ng iba sa kanya.

Ngunit kahit may mga nakadate siya noon, pinili nyang maging single upang makapagfocuss sa pag-aalaga sa aming mga anak.

IT’S TOO LATE..

Ngunit dumating ang araw na nakilala niya si Craig. Di ko akalaing ako’y maapektuhan nito. Pinilit kong isiping mabuti na ok nga iyon para makamove on narin siya. Ngunit iba ang aking naramdaman. Bakit parang nagseselos ako? Bakit pakiramdam ko ay may inagaw sa akin na ayaw kong mawala?

Lumipat sila ni Craig sa bagong tirahan kasama ang aking mga anak. Bagong bahay, bagong buhay. Isang bagong pamilya ang kanilang binuo kasama ang aking dating asawa at ang aking mga anak. Masakit, tagos sa puso at nakakapanlugmok!

Ngayon ko narealize kung ano ang naramdaman niya noong iwan ko sila. Masakit pala talaga ang iwanan. Feeling ko ako lang mag-isa.

for illustration purpose only

Nakita ko sa facebook kung paano sila inalagaan ni Craig- nagpupunta sila sa beach tuwing weekends, si Craig na tinuturan ang aking anak na lalaking magsurf at naghihiking din paminsan minsan.

Pumunta rin sila sa Mauritius. Habang nagkakayak sila sa ilog ay nagpropose si Craig and guess what? She said YES! At doon rin sila ikinasal.

for illustration purpose only

Ang anak kong babae ay kanilang naging bridesmaid at ang anak kong lalaki naman ay groomsman. Ipinakilala ni Craig and ang aking dating asawa sa kanyang mga magulang at lubos naman ang pagtanggap nito sa kanya.



Naging blooming siya. Makikita mong natural at tunay na kaligayahan ang kanyang nadarama. Bagay na hindi ko sa kanya naipadama.

Ako dapat yun eh!

Wag niyo akong tularan. Mahalin niyo ang inyong pamilya at pahalagahan. Normal lang magkaroon ng problema sa pamilya ngunit dapat ito ay inaayos ng mabuti at pinaguusapan.

Ngayon ay namumuhay lamang akong mag-isa. Paminsan minsan ay nakikita ko parin naman ang aking mga anak. Ngunit ngayong malalaki na sila ay ramdam ko ang malamig na nilang pakikitungo sa akin.

for illustration purpose only

Hindi ko naman sila masisisi dahil naukit na sa kanilang mga isipan ang ginawa kong pag-iwan sa kanila noong sila’y maliliit pa. Ito marahil ang aking kaparusahan sa aking nagawa at kailangan ko nalang tanggapin na hindi ko na maibabalik ang dati.

Nawa’y makatulong ang aking istorya sa mga mag-asawang may pinagdadaanang problema.

Kayong mga lalaki, mahalin at pahalagahan niyo ang inyong mga asawa. Hindi matutumbasan ng panandaliang aliw ang ligaya na dulot ng isang buo at masayang pamilya.

Anong masasabi nyo sa artikulong ito? Ishare at magcomment!