If you’re the eldest child in your family, you’ve probably experienced acting as second parents to your younger siblings many times.
Here in the Philippines, it is quite a common scenario that the big brothers or sisters should support and care for their younger siblings when their parents are at work or otherwise occupied. But this eldest sibling takes on the responsibility of supporting her younger siblings in college and even gave up her own dreams so that they can earn their respective degrees.
Recently, the post of a Facebook user named Ghel Martinez went viral and has earned praise for her selfless deed.
Ghel shared a photo while she’s holding a sign read as, “HINDI NAKATAPOS pero NAKAPAG-PATAPOS,” along with her in the photo is her younger sister who graduated from BS Architecture last year and her younger brother who recently graduated cum laude with the course of BS Accountancy.

HINDI NAKATAPOS pero NAKAPAG-PATAPOS
One photo a thousand stories to tell.
Habang tinititigan ko ang picture na to nag flashback sakin lahat lahat kung san ako nagsimula kung san kami nagsimula.
Namulat kami sa isang pamilya na salat sa kayamanan pero punong puno ng pagmamahalan.
Walang permanenteng trabaho ang ama ko, taong bahay naman ang aking ina.Panganay ako sa anim na magkakapatid.Kaya simula elementarya pa lang natuto nakong dumiskarte sa buhay, natatandaan ko pa na sa tuwing papasok ako sa umaga may dala na akong paninda gaya ng gelatin na nasa cup/indian manggo o minsan nama’y bayabas. Masaya na ako sa baon kong pitong piso kada papasok ako at sa tuwing walang pasok naglalako naman ako sa baranggay ng mga gulayin ng mga tiyahin ko minsan namay nagkakalakal kami ng bakal/bote at plastik. Minulat kami ng tatay ko sa konsepto na ” ang taong natututong magtiis mas natututong mangarap, mas nagsusumikap”.
Ng tumuntong ako ng sekondarya mas nakita kong hindi madali ang buhay,bukod sa lumalaki na kaming magkakapatid at tumataas ang gastos namin sa pang araw araw, isa isa narin kaming nagsisipag aral, don ngsimula akong bumuo ng pangarap, pangarap para sa pamilya ko at lalong higit para sa sarili ko. At gaya ng bawat kabataan na nagtatapos ng sekondarya, pinangarap ko ring makapag aral ng kolehiyo, ginusto kong kumuha ng kursong criminology, ng minsang pinapanood ko ang lola ko na nagluluto ng ilang pirasong tuyo na pagsasaluhan namin ng gabing yon sabi ko sa kanila “hayaan niyo kapag ako naging pulis o sundalo mas matutulungan ko kayo, ipinanganak man ako na mahirap hindi naman ako mamamatay na mahirap”.
Pero syempre hindi naman lahat pinapalad matupad kung ano man yung unang pinangarap nila, dahil nga sa panganay ako,pagkatapos ko ng sekondarya napa sabak na agad ako sa trabaho sa palengke ng calauan, araw araw nakikipag bakbakan sa usok at alikabok ng kalsada araw araw pinagkakasya ang isang stick na bbq para sa maghapong kain.
Hanggang sa naisip ko,gusto ko maranasan magtrabaho sa isang kumpanya na naka uniporme ako na masasabi kong empleyado ako, nag apply ako sa jolibee pero sa unang sabak bagsak agad ako sa exam, at dahil desidido ako sumubok uli ako at awa ng diyos naka pasa naman.
Ako yung naging sandalan ng mga magulang ko sa bawat gastusin para sa mga kapatid ko, nung nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag aral uli habang nasa jolibee ako sinubukan kong mangarap uli para sa sarili ko, hindi madali pag sabayin ang pag aaral habng pagod ang katawan mo sa trabaho at mas lalong hindi madali pagkasyahin yung sinusweldo ko na 2400 kada buwan para sa pag aaral ko at sa pang suporta sa pamilya ko.Mahigit isang taon lang ang lumipas isinuko ko uli yung pangarap ko hindi dahil sa nahirapan o naging mahina ako, kundi dahil naging malakas at matapang ako para magparaya para sa mga kapatid ko.
Panahon na nuon para makapag kolehiyo sila pero hindi kakayanin ni tatay na pagsabaying tustusan ang pag aaral at pagkain namin kaya kailangan kong maging suporta para makapag aral sila.
Naisip ko ayokong maranasan nila yung mga naranasan ko na ni palamig/ pang paxerox sa school hindi ako makabili.
Wala naman akong masasabi na permanente sa mundo ko kundi ang pamilya ko,ang mga kapatid ko.
At the end of the day alam kong mag fail man ako sa buhay ko hindi man ako maging pulis mananatili parin silang andyan para sakin.
Kaya ginawa kong pangarap ko ang matupad ng mga kapatid ko ang mga pangarap nila, kailangan mo munang kalimutan yung #travelgoals#bagonggadgets #newcar #newclothes kasi ayokong dumating yung panahon na lahat kami hindi makapag aral, we experience a lot of judgements lalo na ako bilang parte ng lgbtq na walang natapos na kurso naranasan kong mahusgahan at mahamak naranasan ko rin ang masaktan,ipagpalit o iwan sa mas may pera sakin.Ayokong maramdaman nila lahat ng yon.
Gusto ko nababayadan ko yung bills nila sa school ng sakto sa deadline o minsan advance pa, gusto ko nakakasali sila sa mga events gusto ko nabibili ko yung kailangan at gusto nila sapatos man o damit (tapos ako mang hihiram nalang) na kahit pa pang date o pang regalo sa mga jowa o crush niyo suportado parin ako kasi pinagdaanan ko rin yan, basta hindi pababayaan ang pag aaral at hindi niyo naman kami binigo nila inay at tatay. Sobrang bonus pa nga kasi may CUM LAUDE na sa pamilya.
Napaka swerte ko sa mga kapatid ko at hinding hindi ko pinagsisisihan na kayo yung pinili kong prioridad ko. Kayo ang laging uunahin ko dahil bago ko makilala ang kahit na sinong babae sa buhay ko nauna kayo na tinanggap ako ng buo, nauna kayo na minahal ako ng totoo.
Wala man akong diploma basta kayo meron,solve na ako don, dahil kayo ang kayamanan namin nila inay at tatay kayo ang maipagyayabang ko.Proud na proud ako sainyo. Patuloy lang kayong mangarap dahil hanggang kaya ko pang magtrabaho pangako suportado ko kayo.
-Kaya sa mga kabataan dyan na nabibigyan ng pagkakataon para mag aral wag niyong sayangin ang panahon pagbutihin niyo ang pag aaral dahil hindi niyo alam yung hirap at sakripisyo sainyo ng mga mahal niyo makita lang na nakakamit niyo ang mga pangarap niyo. Kung binasa mo to hanggang dulo salamat sa oras mo, sana gaya ko mahanap mo rin ang pakinabang mo sa mundo. Tomboy ako pero kapakipakinabang ako.
At an early age, Ghel learned about responsibility and dreams. She grew up in a poor family as their father does not have a stable job while their mother only stays at home to care for her other siblings. In order to help her parents, Ghel would help sell various items just to earn extra cash when she was still in elementary.
Ghel knew that she was a tomboy, even when she was still young. She dreamed of graduating from BS Criminology to become a policeman or soldier so that she could help her family have a better life and also to support her siblings once she finds a job. But this dream didn’t materialize as life had other plans for her.
Since her parents could not afford to send her to college, Ghel had to find a part-time job so she could support herself in school. But although she was able to land on a job after high school, this was much harder than she thought. Juggling school with her job, earning Php2,400 from Jollibee, was really difficult for Ghel to accomplish.
So instead of working for her own dreams, she passed it on to her younger siblings so that they can earn their college degrees.
Although Ghel still has a long way to go because she still has three more siblings to send to college, many people admired her stand in life and for sacrificing her dreams for the sake of her family.
Many netizens are hoping that now that two of her siblings already graduated from college, they would return the favor and help Ghel to continue her dream to become a policeman and support their other younger siblings as well.
source: buzzooks