Mayamang Kapitbahay Pinagdamutan ng Tubig at Pinahiya ang Isang Babae – Asawa ng Babae Nagalit Dahilan para Makagawa ng Imposible

Hindi na ata mawawala sa isang pamayanan ang mga taong maykaya sa buhay na kayang manghamak ng kanyang kapwa na nasa hikahos na kalagayan. Ito ang mga tao na tinatawag na mga matapobre at mapanghamak ng iba.

Ang pamayanan ng Maharastha ay napapabilang sa mga tropikong lugar sa bansang India kung saan ang tubig na isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ay ang kanilang pangunahin namang problema.



Dahil tuyo ang kanilang lugar at wala silang ibang mapagkunan ng tubig, ang tanging paraan na lang ay ang maghukay ng lupa at maglagay ng balon kung saan may pagkukunan ng tubig.

Ngunit ang proseso na ito ay napakahirap sa kanilang lugar at kinakailangan ng sapat na salapi upang bayaran ang mga kompanya na may sapat na kakayahan at teknolohiya para mabilis na makahanap ng mapagkukunan ng tubig sa ilalim ng lupa para mapatayuan ng balon.

Kaya sa lugar ng Maharastha ang pagkakaroon ng sariling balon na pinagkukunan ng tubig ay naging simbolo sa kung ano ang estado ng mga tao doon sa buhay. Tanging ang mga mayayaman lang ang may sariling balon sa kanilang lugar.

Isa sa mga napabilang sa mga taong hikahos sa tubig ay si Bapurao Tajne at ang kanyang pamilya na kung saan umaasa lamang sila sa balon ng mga mayayamang kapitbahay.

Isang araw ang maybahay ni Bapurao Tajne ay huminge ng tubig sa balon na pag-aari ng mayamang kapitbahay nila. Ngunit sa kasamaang palad ang asawa niya ay tinanggihan na makakuha ng tubig at ito ay pinahiya pa ng may-ari.



Hindi napigilan ni Bapurao ang kanyang galit, ngunit sa halip na kausapin niya ang mayamang kapit bahay at doon ibuhos ang galit, isang magandang ideya ang kanyang naisip.

Naisip niya na ibuhos nalang ang sama ng loob sa pagbungkal ng lupa upang maghanap ng mapagkukunan ng tubig at gawin itong balon para magkaroon sila ng sariling mapagkukunan ng tubig at maibahagi na din sa ibang tao na katulad niyang salat din sa yaman at walang kakayahan na magpagawa ng balon.

Ang pagkakaroon ng balon ay nangangailangan ng mahabang panahon para sa pagbubungkal at imposibleng makahanap agad ng bukal ng tubig dahil sa uri ng klima sa kanilang lugar.

Sa mahirap na sitwasyon ay naipikit na lamang ni Tajne ang kanyang mga mata at nag-dasal ng isang panalangin sa kanyang Diyos.

Pagkatapos magdasal sinimulan niya ang pagbubungkal sa unang bahagi ng lupa na nasilayan sa unang pagbukas ng kanyang mga mata.

Ang asawa naman ni Tajne sa halip na bigyan siya ng suporta at lakas ng loob ay nagpahayag ito ng pagkadismaya at sinabihan pa siya na ito ay pag-aaksaya lamang ng oras.

Nakatanggap din siya ng pang-iinsulto mula sa mga kanayon at sinabihan na nasisiraan na siya ng ulo sa dahil sa kanyang ginagawa.



Dahil sa mga natangap niyang reaksyon mula sa kanyang asawa at mga ka-nayon, pinanghinaan ng loob si Tajne, ngunit hindi parin siya sumuko. Lumipas ang mga araw, patuloy parin ang pagbubungkal ni Tajne ngunit wala parin siyang masilayang tubig sa kanyang mga nabungkal na lupa.

Si Tajne ay naghahanap buhay para may maipakain sa kanyang pamilya at halos 8 oras siya nagtratrabaho at pagkauwi nito galing trabaho doon naman niya ginagawa ang paghuhukay na halos inaabot ng 6 na oras.

Ngunit ang lahat ng hirap, pagtitiyaga at pagtitiis ni Tajne ay nasuklian ng isang himala dahil pagkatapos ng apatnapung araw na paghuhukay ay biglang may bumulusok na tubig sa lupang kanyang binubunkal.

Ayon sa pahayag ni Tajne na:

“Hindi ko maipaliwanag ang matinding hirap na aking dinanas ng mga araw na iyon. Ang tanging hangad ko lang ay magkapagbigay ng tubig para sa aking pamilya at sa mga mamamayan ng Dalits at hindi na kailangan pang magmakaawa sa mga karatig nayon”,

Ang dating hinamak at pinagtawanan na si Tajne ay biglang umani ng paghanga mula sa buong nayon at sa kanyang asawa.



Dahil isa siyang mabuting tao ay malugod pa niyang inanyayahan ang ibang mga kanayon at kinalimutan na lang ang mga ginawang pang-iinsulto ng mga ito noon.

Nakaramdam naman ng pagkapahiya ang maybahay ni Tajne sa hindi pagsuporta dito ng mga panahong kailangan siya ng kanyang asawa.



“Hindi ko siya tinulungan hanggang sa may nakita na akong tubig na lumalabas".

"Halos labing-limang dangkal na ang lalim ng balon at gusto pa ni Bapurao na maghukay ng karagdagang limang dangkal at umaasa kaming matulungan kami ng aming mga kapitbahay.” Ayon sa asawa ni Tajne.

Pinuntahan at pinuri si Tajne ng pinuno ng kanilang Nayon.

Ang paghanga sa kanyang determinasyon ang siyang nag-udyok sa mga tao na gumawa rin ng mas maraming balon sa kanilang lugar nila.

The Quint: Denied Water Access, Dalit Man Digs Well For His Wife in 40 Days

source: gtgoodtimes