Isa sa mga materyal na bagay na hinahangad ng karamihan sa atin lalo na sa mundo ng mga kalalakihan ay magkaroon ng sariling sasakyan. Ito man ay isang mamahaling kotse o pinakamabilis na uri ng isang pangkarerang oto.
Ang pagpapanatili nito sa maganda at maayos na kondisyon ay isa sa pinakamahalagang hakbang na lagi nilang isinasaalang-alang. Pero hindi lahat ng lalaki ay ganoon ang pagpapahalaga sa mga ito dahil sa bansang Taiwan ay may isang Ama na pinahintulutan ang kanyang anak na gawin itong parang isang canvas sa pagpipinta.
Ang nakakatuwang Ama na ito ay si Mr. Yang na ini-upload pa sa Facebook ang ilan sa mga paborito nitong sasakyan kung saan halos mapuno ito ng mga ipinintang larawan ng kanyang anak na babae.
Karamihan siguro sa ibang tatay ang makita lamang ang kanilang sasakyan na nadungisan ng bahagya o may konting gasgas lang ay parang bulkan ng sasabog agad sa galit. Pero sa tulad ni Mr. Yang ito ay balewala lamang sa kanya at itinuting pang isang magandang sining na maipagmamalaki sa mundo.
Para sa kanya ang nasabing mga larawan na ipininta ng kanyang pinakamamahal na anak ay isang mahalagang parte ng magandang alaala ng kabataan nito at dapat na ito ay panatalihin at lubos na paka-ingatan. Dahil ito ay maituturing na mahalagang bahagi ng kanyang pagiging bata na dadalhin niya hanggang pagtanda.
Ilan sa mga nakapintang larawan sa kotse ni Mr. Yang, ay ang larawan ng kanyang buong pamilya na may kasama pang malaking ulap sa itaas na bahagi nito. Sa nasabing larawan ay may nakasulat pang impormasyon patungkol sa kanilang pamilya.
Ang nasa kaliwang bahagi naman ay patungkol sa yumaong Lolo ng bata. Ang mga larawan ay hindi lang basta simpleng ipininta ng anak niya bagkus ito ay may kaakibat na kahuluguhan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya.
Ang sumunod namang ipininta ng anak niya ay isang sikat na karakter mula sa palabas na anime na Dragon Ball. Ang uri ng pamamaraan kanyang sa pagpinta ay medyo kakaiba at mas maganda na ang kinalabasan kesa sa nauna.
Ang nakakaantig sa puso at pambihirang pagmamahal ni Mr. Yang para sa anak nito ay nadagdagan pa ng kanyang pangako na hindi niya kailanman buburahin ang mga ito at para sa kanya ito ay isang kayamanan na dapat ingatan at pahalagahan.