Isang guro ang nagbigay ng aral sa kanyang mga mag-aaral ng ikuwento nito ang isang true to life story ng isang lalaki na iniwan ang kanyang asawa sa isang lumulubog na barko. Narito ang kanyang kuwento.
Isang magasawa ang pansamantalang iniwan ng kanilang anak para sana maghohoneymoon sa isang cruise ship pero sa kasamaang palad ang cruise ship ay lumubog dahil sa masamang panahon.
Agad namang pumunta sa may lifeboat ang magasawa ngunit isang tao na lang ang kasya sa nasabing lifeboat. Tumalon ang lalaki sa lifeboat at iniwan nya ang kanyang asawang babae sa lumulubog na barko.
Habang nakatayo ang asawang babae sa lumulubog nabarko sumisigaw ito sa kanyang asawa ng.......

Biglang inihinto ng guro ang kwento nya tungkol sa magasawa at kanyang tinanung ang kanyang studyante kung sa tingin nila anu ba ang isinigaw ng babae sa kanyang asawa.?
Madami ang sumagot at nagsabing, “I hate you! Nabulag ako sa pagmamahal ko sa iyo". Habang ang karamihan sa kanyang mga estudyante ay magulo at abala sa pagsagot sa tanung nya, napansin nya ang isa sa kanyang estudyante na tahimik na nakikinig. Kaya naman tinanung nya ito at agad naman itong sumagot at nagsabi na "baka naman ang sinisigaw ng babae ay ingatan mo ang ating mga anak".

Nagulat ang guro sa sagot ng estudyanteng ito kaya tinanung nya ulit ito kung narinig naba nya dati ang kanyang kinikwento. Umiling ang ulo ng estudyante para sabihin na hindi pa nya narinig ang kwento. Dagdag pa nya na bago mamatay ang kanyang ina ay sinabi nito ang salitang "Ingatan mo ang ating mga anak" sa kanyang ama.
Humanga ang guro sa sagot ng kanyang estudyante at kanya itong pinuri at sinabing ang kanyang sagot ay napakagaling.
Itinuloy ng guro ang kanyang kuwento:
Nang tuluyan ng lumubog ang barko umuwi ang ama sa kanyang mga anak na mag-isa nalamang. Lumipas na ang ilang taon at pumanaw na din ang lalaki, ang babae naman nilang anak na hinuhusgahan sya dahil sa nangyari ay ang syang nakakita sa diary ng kanyang ama habang ito ay naglilinis ng gamit at doon nya nalaman ang lahat ng nangyari.
Habang binabasa nya ang diary ng kanyang ama, nalaman nya na noong sumakay ang kanyang magulang sa cruise ship may malubha at hindi na nagagamot na karamdaman ang kanyang ina.
Kaya naman nung lumulubog na ang barko, agad na tumalon ang ama nya sa isang bakanteng lifeboat na iisa nalang ang puwede sumakay.
Isinulat din ng kanyang ama sa diary nito na kahit gustuhin man nyang magkasama sila sa lumulubog na barko ay inisip nya ang kanyang mga anak, kaya kahit masakit iniwan nya ang kanyang mahal na asawa na magisa habang lumulubog ang barko.
Humagulgol ng iyak ang anak na babae pagkatapos nyang basahin ang diary ng kanyang ama.

Sa pagtatapos ng kwento ng guro tungkol sa mag-asawa, napansin nyang natahimik ang lahat ng kanyang mag-aaral. Sa puntong iyon alam nyang naiintindihan at alam ng kanyang mga magaaral ang gusto nyang ipahatid na mensahe na mula sa kanyang kiniwento.
Sa mundong ating ginagalawan ay may masama at mayroon din mabuti. Madalas ang mga sitwasyon ay napakakumplikado kaya mayroon sa atin na humuhusga agad kahit hindi nila alam ang buong kwento.
Hindi dapat tayo nagbibigay ng biglaang disisyon o humuhusga ng hindi muna tayo nagiimbistiga sa kung anu talaga ang buong nangyari.
Laging tandaan, hindi dahil ikaw ang nagbayad ng inyong pagkain ay mayaman kana, hindi dahil inaako mo lahat ng gawin ay magaling kana, alam mo lang ang ibig sabihin ng responsibilidad.
Hindi dahil ikaw ang unang humingi ng tawad ay ikaw na ang mali, alam mo lang ang salitang pagpapahalaga ng mga taong nasa paligid mo. Kaya dapat lang na huwag muna tayong manghusga kung hindi pa natin alam ang totoong nangyari.