It’s clear that people still can’t get over the recent b*llying incident where a junior high school student from Ateneo de Manila University (AdMU) who is a martial arts athlete was seen beating up a fellow student inside of a comfort room after asking him to choose between his dignity or getting beaten.
Aside from this, a few other b*llying scandal videos of the same student are now surfacing fast online in which he b*llies helpless male teenagers.
These didn’t sit well with the netizens and soon enough, memes, pages, and dummy accounts under his name spread like wildfire. He was highly criticized by the online community for his arrogance and inhumane act towards others.
Apart from the Ateneo kid b*lly identified as Joaquin Montes, another Facebook post that became the headlines of several social media pages is a challenge post from Joshua Aaron III, a Muay Thai fighter.
He challenged Montes and even gave out his location, prompting the netizens to push them in a match. The social media users are happy that Joaquin might finally found his match if he agree with the possible fight.
However, soon after the post became viral, Aaron posted an update on his Facebook account where it states:
“Official Team SPRAWL MMA Statement on the B*llying Issue
Hindi po maiwasan ng aming Team SPRAWL MMA na maglabas ng statement hinggil sa b*llying issue dahil ang isa naming 14-year-old na kasapi ay nabalitang hinahamon ang b*lly sa isang laban. Sa isang widely-shared na online news feature, na 111K shares na po ngayon, sa litrato nito (na sadyang ginupit namin dito sa post), ay makikita ang naghahamon na nakaporma sa gilid ng sign ng SPRAWL MMA, sa loob ng aming gym. (Paumanhin na lamang at di na namin pangangalanan ang naghahamon daw at yung b*lly, dahil nga sila ay mga menor de edad – kahit na kalat na at pinagpipiyestahan ang kanilang mga pangala’t litrato sa social media.)
Kinausap na po namin ang bata. Hindi naman daw niya talagang gustong gumatong at magpasikat sa isyu, at kantyawang bata lang naman daw talaga na di rin niya inasahang sumabog sa social media. Ngunit totoong naantig ang kanyang damdamin dahil 1) talagang naawa siya sa mga biktima ng b*llying, at 2) hindi niya matanggap na mapanood ang isang martial artist na ginagamit ang fighting skills para manakit ng kapwa – lalo na silang hindi naman nagsanay sa larangang ito. Sabi pa nga niya, dapat nga daw ay ginagamit pa ang mga natutunang ito para ipagtanggol ang mga nadedehado – sa panahon na talagang kinakailangan. At, pag-iisipan niya na rin daw ng mabuti bago magpost muli ng kahit ano sa social media.
Sa b*lly naman, sana nawa’y matuto ng leksyon, at madisiplina ng magulang at eskwelahan itong bata para lumaki ng matuwid. At maparusahan ng maayos. Sa mga naging biktima naman, sana’y makarecover agad sa anumang physical injuries at psychological trauma na dulot ng pambub*lly sa kanila.
Proteksyunan po natin ang ating mga anak, at ang mga bata naming kasapi ay tinuturing namin na mga anak dito sa Team SPRAWL MMA.
Sa pagtatapos, anti-b*llying advocates kami sa Team SPRAWL MMA. Laban kami sa lahat ng anyo ng pambub*lly, ninuman at saan man: ng mga makapangyarihan sa mahihina, ng malalaking bansa sa maliliit, ng mga mayayaman sa mga dukha.
Maligaya’t payapang Paskong 2018 sa lahat.”