Lalaking Ginagawang Libangan ang Pagbutas ng Kundol, Pinagtawanan, Ngunit Kinaingitan ng malaman ang Totoong Dahilan

May mga taong magaling dumiskarte upang kumita ng malakaing pera gamit lang ang kanilang kaalaman at matatalinong paraan. Katulad nalang ng isang lalaki na pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan dahil sa pinag-gagawa nito sa kundol, ang hindi nila alam na ito pala ay magbibigay ng malaking pera para sa lalaki.

Ang lalaking ito ay naglagay ng tatlong butas sa isang kundol at tinukso ng kanyang mga kaibigan. Kahanga-hangang ang kundol na ito ay nagbigay pa sa kanya ng malaking kita.



Isang lalaki ang gumawa ng tatlong malalaking butas sa isang kundol ngunit siya ay pinagdudahan at pinagtawanan ng kanyang mga kaibigan sa kung ano ang silbi nito.

Gayunman, kahanga-hangang nakaya nyang kumita ng malaki gamit ito? Paano nangyari ito? Tingnan natin ang kanyang naging paraan kung paano siya naging matagumpay gamit ang magic kundol na ito:

Unang hakbang, Ang napakamalikhaing lalaking ito ay gumawa ng hiwa sa kundol . Pagkatapos, humulma siya ng tatlong malalaking butas dito at naglagay ng salaan o isang tila imbudong lambat sa bawat butas nito. Kasunod nito ay tinali nya ang mga imbudo gamit ang alambre upang hindi ito mahulog.



Ang parehong dulo ng kundol ay tinuhog ng patpat na yari sa kawayan.

Pagkatapos ay inilagay niya ito sa ilog.

Makalipas ang kalahating oras, nang kanyang hinila ang patpat na yari sa kawayan, malinaw na malinaw mong makikita na ang kundol ay nagsisilbi palang bitag para sa mga lobster o ulang sa tubig tabang.

Ayon sa binatilyong ito, Kumikita siya nang Malaki sa isang araw gamit ang pamamaraang ito. Malinaw na ang kanyang pagiging malikhain ay maaaring gayahin ng ibang mga kabataan sa kanilang mga pamayanan na nais makipagsapalaran sa ganitong larangan.



Para naman sa mga nasa siyudad, maaari naman kayong bumisita sa palengke para makakuha ng hipon ngunit huwag lamang maglagay ng kundol sa loob ng pool, pakiusap lamang.

source: goodtimes

Please follow and like us:

Related Post