Ito pala ang mga Magandang Benepisyo ng Dahon ng Saging at mga Napapagaling na Sakit nito.

Ang saging ay isang uri ng prutas na matatagpuan sa isang tropikal na bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.

Ito ay nagtataglay ng maraming sustansya. Lingid naman sa kaalaman ng iba ang dahon ng saging ay mayroong benepisyo na nakakatulong sa katawan .

Maaaring rin itong gamitin bilang herbal na gamot upang panlunas sa mga karamdaman. Maraming pwedeng gawin sa dahon ng saging, para magkaroon ng magandang kutis at magamot ang pangangati ng lalamunan, ubo at sipon at pati narin ang lagnat.



Sa ibang karatig bansa naman sa Asya, ang dahon ng saging ay ginagamit naman bilang palamuti upang maging kaaya- aya ang pag presenta sa mga pagkain, maaari din itong gamitin bilang pambalot sa pagkain at materyales upang makagawa ng "handicrafts".

Ang tuyong dahon ng saging ay may mga importanting sangkap para sa kalusugan tulad ng polyphenols (isang antioxidants), lignin, hemicellulose, protein, at allantoin.

Kaya may kakayahan itong magpagaling ng isang sakit. Para makuha ang buong benepisyo ng dahon ng saging bilang isang herbal na gamot dapat na pakuluan ito at inumin bilang isang tsa-a.

Narito ang sangkap ng saging para sa kalusugan:

1. Mataas sa Antioxidants.

Ang dahon ng saging ay mayroong polyphenols, isang uri ng antioxidant. Ang antioxidant na ito ay kailangan para puksain ang mga toxin sa ating katawan na nagdudulot ng iba't ibang sakit.

Pinipigilan nito ang pagbuo ng pamamaga na nag dudulot ng Alzheimers at atherosclerosis o pagliit ng mga ugat na karaniwang sakit ng dahil sa pagtanda.

Ang antioxidant din ay makakatulong upang mapabagal ang pagtanda ng tao. Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng kulubot at pagtuyo ng balat.

Maaaring inumin ang pinakuluang dahon ng saging isa hanggang tatlong beses sa isang araw.

2. Gamot sa sore throat o makati at masakit na lalamunan.

Ang pagkakaroon ng sore throat ay kadalasang dahilan ng isang virus.

Madalas na ang sore throat ay nakakasagabal sa ating pang araw-araw na gawain.



Katulad ng masakit na paglunok ng pagkain. Maaaring uminon ng pinaglagaang dahon ng saging upang mabawasan ang pananakit at pangangati ng lalamunan ng dahil sa sore throat.

3. Nakakapagpagaling ng Lagnat.

Ang dahon ng saging ay may "astringent" at "antioxidant" na nagpapabawas ng pamamaga at lagnat. Upang mapababa ang lagnat, Inumin lang ang tubig na galing sa pinaglagaan ng dahon ng saging isa hanggang tatlong beses sa isang araw.

4. Nagpapalakas ng resistensya ng katawan.

Ang tuyong dahon ng saging ay mayroong allantoin. Isang uri ng sangkap na nagpapalakas ng resistensya ng katawan at kayang magpagaling ng sugat ng mabilis.

Kahit ang isang taong malusog ay maari ring uminom ng pinaglagaang dahon ng saging upang maiwasan ang mga sakit at tumibay ang resistensya ng katawan.

5. Nagpapagaling ng sugat at pangangati ng balat.

Sa pamamagitang ng dahon ng saging ay maari ng gumaling ang sugat at ang mga pangangati nito. Ipahid lamang ang katas ng saging sa mismong balat ng pangangati at sa sugat.

Maaari rin gamiting pantakip ang mismong malapad na dahon ng saging at talian ng bandage upang hindi ito matanggal. Palitan ang dahon ng saging 2-3 beses sa isang araw.

6. Gamit upang Tumibay at Gumanda ang buhok.

Sa pamamgitan ng pag pahid ng katas ng saging sa buhok at sa anit ng ulo ay maiiwasan at mapapagaling na ang mga balakubak o dandruff, at mapapanatili ang natural na kulay ng inyong buhok.



7. Para gumanda ang kutis ng balat.

Ang dahon ng saging ay kadalasang ginagamit sa mga tradisyonal na spa upang kuminis at gumanda ang inyong mga kutis.

Gumamit ng Blender at ilagay ang dahon ng saging at pagkatapos ay ilagay ang katas nito sa sa mukha at buong katawan.

Dahil sa taglay na antioxidant tulad ng allantoin ay kayang papabagalin ang pagtandan ng inyong balat. Miiwasan at mababawasan ang pagkakaroon ng kulubot at pangingitim ng balat. Maaari ring gamutin ang mga pimples at magmukhang malambot at bata ang mukha kapag ipinahid ang katas nito sa balat.

8. Nakakabawas ng timbang.

Ang saging ay sikat sa mga traditional spa upang mabawasan ang timbang at mga sobrang taba sa katawan. Sa pamamagitan ng pagbalot o paglagay ng nilgang dahon ng saging sa tiyan, binti at braso ng 1 hanggang 2 oras ay mainam upang mabawasan ang taba sa katawan

Maaari ring maglagay ng katas nito sa mga lugar na may bilbil. At pagkatapos gawin ito ay mainam na uminon ng tsa-a gawa sa pinakuluang dahon ng saging at luya. Ang traditional na lunas na ito ay maaaring tumulong upang marelax ang ating katawan.

Narito ang iba pang pwedeng gamit ng dahon ng saging:

1. Pambalot sa pagkain.

Nakasanayan na ng ibang nasyon sa Asya tulad ng Pilipinas ang pagbalot ng pagkain gamit ang dahon ng saging. Sa bansang Vietnam, Thailand at Indonesia naman ginagamit ang dahon ng saging upang pambalot ng cakes, isda at manok. Sa pamamagitan ng dahon ng saging ay nagiging kaaya-aya at kagana-gana ang pagkain ng isang tao. Sa taglay din ng aroma nito ay sadyang nagpapasarap ng amoy ng pagkain.



2. Pagkain para sa alagang hayop.

Tiyak na makakatulong ang dahon ng saging para sa mga taong nag-aalaga ng hayop. Ang kambing, baka at rabbit ay tiyak na magugustuhan ang berdeng kulay nito upang kainin. Kadalasang kinakain din ng mga hayop ang dahon ng saging upang magsilbing natural na gamot nila.

3. Handicrafts.

Madalas ginagamit ang dahon ng saging upang magsilbing materyales para sa mga handicrafts. Ginagamit ito upang makalikha ng bags, sinturon at mga bracelet.