Anak Delivery Boy, Nagsinungaling na may Mercedes Benz ang Ama, Pero Isang Bagay ang Ginawa ng Ama na Nagbigay ng Mahalagang Leksyon sakanya

Aminin natin na may mga tao na naiingit sa estado ng buhay ng ibang tao, kaya naman hindi maiwasan ng iba na magyabang at magsinungaling para lang makasabay sila sa sa mga ito.

Katulad nalang ng kwento ng anak ng isang delivery man na nagsinungaling sa mga kaibigan at ipinagyabang na ang kanyang ama ay nagdridrive ng isang magarang sasakyan.



Si Dan ay labing isang taong gulang at kasalukuyang nagaaral sa elementarya.

Sa paaralang pinapasukan ni Dan ay mayroong isang mayaman na mag-aaral na ang pangalan ay Ben. Madalas dalhin at ipagmayabang ni Ben ang mga bago at mamahalin nyang gamit at laruan sa kanyang mga kaeskwela at isa na nga sa mga kaibigan nya ay si Dan. Sa sobrang yaman ng ama ni Ben, hindi nakakapagtaka na kaya nitong bilhan ang anak ng mga mamahaling laruan.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Hindi gaya ng ama ni Ben, ang ama ni Dan ay isang tagahatid ng gas cylinder.

Isang araw binigyan ng takdang aralin ang klase nila Dan, kailangan nilang magsulat ng tungkol sa trabaho ng kanilang mga ama. Isinulat ni Ben ang tungkol sa trabaho ng kanyanh ama, ayon sa kanya ito ay nagmamaneho ng isang Mercedes Benz na sasakyan at siya din ang CEO sa kanilang kumpanya.

Habang ang lahat ay manghang mangha sa kwento ng trabaho ng aman ni Ben, si Dan naman ay abalang nagiisip kung ano ang kanyang isusulat tungkol sa trabaho ng kanyang ama.

Dahil abala si dan sa pagiisip ng isusulat tungkol sa trabaho ng kanyang ama, agad naman napansin ito ni ben na si dan lamang ang hindi naging interesado sa kanyang kuwento, kaya nilapitan ito ni Ben at tinanung na, “Dan, ikaw anu naman ang trabaho ng iyong ama?”.

Dahil sa sobrang pagkaabala ni Dan hindi nya napansin na palapit na sa kanya si Ben kaya naman nagulat ito ng biglang tanungin sya ni Ben. Hindi nya alam kung anung isasagot nya sa tanung ni Ben. Hindi kasi tulad ng ama ni Ben na nakasuot ng magandang kasuotan at may sariling tagamaneho ng sasakyan, ang ama ni Dan ay nagmamaneho ng lumang motorsiklo at naghahatid ng mga gas cylinder sa mga bahay ng bumibili nito. Imbis din na nakasuot ito ng pormal na damit gaya ng tatay ni Ben, ito ay nakasuot ng t-shirt at pantalon sa pagtratrabaho.

Biglang nahiya si Dan sa trabaho ng kanyang ama dahil sa kanilang magkakamagaral ang ama lang nya ang hindi nagtratrabaho sa opisina at hindi nakasuot ng magandang damit.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Para hindi sya lokohin ng kanyang mga kamag-aral sinagot nya ang tanung ni Ben at sinabing, “isa ding CEO ang aking ama at nagmamaneho din sya ng magarang sasakyan kagaya ng sa iyong ama”.



Ngunit hindi lahat ng kamagaral ni Dan ay naniwala sa kanyang sinabi na ang kanyang ama ay kasing yaman ng ama ni Ben. Kaya naman sinabi nila kay Dan na dapat isama nya ang kanyanh ama sa araw ng mga magulang para makilala nila ito. Dahil sa narinig ni Dan, sya ay biglang kinabahan at hindi alam ang gagawin at isasagot sa kanyang kamag-aral, nag-alala din sya na baka malaman nila na sya ay nagsisinungaling sa trabaho ng kanyang ama kapag ito ay pumunta sa araw ng mga magulang.

Bago pa mangyari ang kanilang takdang aralin ay tinanong na ni Dan ang kanyang ama na kung pwede itong pumunta sa araw ng magulang at ito naman ay sabik na sabik na sumagot ng oo.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Pagkauwi ni Dan ay agad nyang sinabi sa kanyang ama na huwag na itong pumunta sa araw ng mga magulang. Dahil sa sinabi ni Dan sa kanyang ama, biglang nagtaka ang kanyang ama kaya tinanung nya nito kung bakit biglang nagbago ang kanyang isip.

Ikiniwento naman lahat ni Dan sa kanyang ama ang nangyari at tumawa lang ang kanyang ama sa kanyang sinabi. Ayon sa ama ni Dan, wala syang dapat ikabahala at dagdag pa nya na pupunta pa din sya sa nasabing okasyon.

Kinakabahan naman si Dan sa kanyang aman ng dumating na ang araw ng mga magulang. Nagaalala syang baka malaman ng kanyang mga kamag-aaral ang totoong trabaho ng kanyang ama. Sa sobrang kaba nya ay tumingin nalang sya sa labas ng bintana ng kanilang silid at syay nananalangin na sana huwag dumating ang kanyang ama.



Habang sya ay nakatingin sa labas ay bigla nyang nakita ang isang lalaki na nakasuot ng itim na pormal na damit at ito ay papalapit sa kanya. Hindi man nakikita ni Dan ang muka ng lalaking papalapit pero ang lakad nito ay pamilyar sa kanya. Nang ito ay nasa kanya ng harapan napansin nya na ang lalaking nakasuot ng itim na pormal na damit ay ang kanyang ama.

Hindi makapaniwala si Dan sa kanyang nakikita at sa suot ng kanyang ama habang ito ay papalapit sa kanilang silid. Ang kanyang ama ay nakasuot ng pormal na damit at may suot na mamahaling relos sa kanyang kamay. Maayos din ang buhok nito at malinis ang muka dahil ito ay bagong ahit.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Nagulat man si Dan sa suot ng kanyang ama ngunit hindi parin sya makakaligtas sa kanyang pagsisinungaling dahil baka makita nila na ito ay hindi nagmamaneho ng isang mercedes benz kundi isang luma at bulok ng motorsiklo.

Nang mga oras din yun alam nyang malalaman na ng kanyang mga kamagaaral ang kanyang kasinungalingan. Habang hinahanda na nya ang kanyang sarili na sya ay pagtawanan ng kanyang mga kamagaral dahil sila ay papunta na sa pradahan ng mga sasakyan at makikita na nila ang dala ng kanyang ama, laking gulat nalang ni Dan na imbis na motorsiklo ang dala ng kanyang ama, ang gamit nito ay ang isang napakagandang Mercedes Benz na sasakyan.

Nagulat din si Dan ng biglang buksan ng kanyang ama ang sasakyan at imaneho ito. Sumakay si Dan sa loob at sila na ay umalis ng kanyang ama sa kanyang paaralan at agad pumunta sa isang lugar na kung saan ang amo ng ama ni Dan ay nagaantay.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Tinanung ng amo ang ama ni Dan, “How was it, Marc? Everything was great?” at agad namang sumagot ang ama ni Dan at sinabing, “Yes, everything was great! I could not thank you enough for lending me your car, ”

Pagkakita ng boss ng ama ni Dan sa kanya ay agad nya itong tinanung, “So, this is your son, Dan? I have heard a lot about you. Why don’t you take one of those small gas cylinders and bring it to me?”

Agad namang sinunod ni Dan ang utos sa kanya at binuhat nya ang isang gas cylinder ngunit laking gulat nya na ito pala ay mabigat at nagtaka sya at nagisip kung paano ito nabubuhat ng kanyang ama.



Nang makita ng boss na nahihirapan si Dan sa pagbuhat ng gas cylinder agad nya itong nilapitan at kinausap, “Now do you realise how hard you father has been working every day? He could easily lift the gas cylinder in your hands with just one hand!”

Nang mga oras ding yun ay hiyang hiya si Dan sa kanyang ginawa. Tinitiis ng kanyang ama ang pagbuhat ng mabibigat na gas cylinder para lang sya ay makapag-aral sa paaralan, mabili ang mga gusto nyang laruan at madalhan sya ng kanyang mga paboritong pagkain.

for illustration purpose only | credits: www.google.com

Alam nyang ang kanyang ama ay may kahinaan din dahil madalas itong magreklamo na masakit ang kanyang katawan pero tinitiis nya itong lahat para lang maiahon sa hirap ang kanilang pamilya. Dahil sa nangyari kay Dan at sa kanyang ama, mula noon ay hindi na sya nagsinungaling tungkol sa totoong stado ng kanilang buhay at lalo pa syang humanga at ipinagmalaki ang kanyang ama.

source: goodtimes

Please follow and like us:

Related Post