Alamin: Gaano Nga Ba Katagal Bago Ulit Pwedeng Makipagtàlik Pagkatapos Manganak?

Ayon sa mga doktor, karamihan sa nagiging kliyente nila sa kanilang propesyon ay ang humihingi ng medikal na tulong at gabay para sa kanilang pagbubuntis. Ngunit, isang palaisipan pa rin para sa mga mag-asawa kung kailang sila ulit pwedeng makipagtàlik.

Ayon kay Dr. lulu Marquez, nabangit niya sa kanyang programa na “Private Nights” sa DZMM na mahirap para sa kanila na tantyahin ang haba ng panahon dahil sa panganganak na posibleng magresulta sa komplikasyon.



Isinaad ng doctor sa kanyang programa na hindi dapat maging balakid ang post-pregnancy sa sekswal na aktibidad ng mag-asawa.

Karamihan ng mga babae na kakatapos lang magbuntis ay nakakaranas ng matinding sakit sa ari at tahi dulot ng panganganak kahit sabihin pa na ito ay normal o Caesarean delivery.

Sinabi rin ng butihing doktor sa kanyang programa na karamihan sa mga babaeng nanganganak ay kailangan dumaan sa Episiotomy, isang surgical procedure sa ari ng babae para mailabas ang sanggol.

Ipinaliwanag ni Dra. Lulu Marquez na karamihan sa mga babae ay “self-concious” sa kanyang hugis at pangangatawan. Kaya karamihan sa mga babaeng nakaranas ng Caesarean delivery ay nahihirapan at nakakaranas ng konting insecurity sa katawan.

Naidagdag din ng doktor na makakabuti sa isang mag-asawa na maghintay ng higit kumulang sa isang buwan bago makipagtàlik.

Sinabi ni Dra. Lulu marquez na “Karamihan po ng healthcare providers, sina-suggest nila na mag-wait ng 4 to 6 weeks before resuming intercourse to allow the woman’s body to heal.”

Kailangan maghintay ng anim na linggo bago tuluyang makapag-recover mula sa panganganak ang isang babae ayon sa doktor. Sinasabi rin na posible din na tumagal ang panahon sa pag-antay nila dulot ng surgery o normal na panganganak.



Isang malaking problema rin ang maaaring magdulot ng impeksyon mula sa post-partum sex kaya mas mabuting magtanong sa eksperto sa medisina. Hindi dapat padalos-dalos ang pagiging aktibo sa sex kaya nararapat na pinapagaling ang sugat at tahi bago makipagtàlik.

Ang paggamit ng lubricant habang nakikipagtàlik ay mabisang sulusyon din para makabawas sa sakit na dulot ng post-pregnancy.

Posibleng hindi kayanin ng katawan ng mga babaeng nakaranas ng panganganak pagkatapos ng pagsilang nila sa kanilang mga anal.

Nabanggit din ni Marquez sa isang review ang isang testimonya tungkol pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa kanyang asawa.

Nasabi rin ni Marquez sa mga payo niya na “Resume your sex life slowly, possibly with cuddling only.” Nagmungkahi rin ang doktor na maaari silang mag-perform ng oral sex or masturbation para sa kanilang partner. Nasabi rin na maaaring gumamit sila ng marital aid or vibrator para makatulong sa mag-asawa.

Iminungkahi rin ng doktor na iwasan ang pagdagan sa sugat na nasa abdomen ng pasyente habang nakikipagtàlik sa asawa nila.



Kung ang partner nila ay nagkaroon ng miscarriage habang nagbubuntis, maari rin itong makaapekto sa pag-iisip nila. Dinagdag din ni Marquez na dapat tama ang ginagawa nilang posisyon sa pagtatàlik para maiwasan ang komplikasyon.

Sinigurado rin ng doktor na dapat sumailalim din muna sa family planning ang mag-partner para maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis.

source: abscbn

Please follow and like us:

Related Post