Ilang mangingisda sa Taitung County, Taiwan ang nagpalaot noong June 14 para humuli ng mga isda ngunit hindi nila inaasahan na isang tiger shark ang mahuhuli ng kanilang lambat.
Ang nasabing tiger shark ay may timbang na halos 200 kilo at kanila ding nakumpirma na ito ay buntis dahil sa malaki nitong tiyan at tila may gumagalaw sa loob.Ayon sa mga mangingisda wala ng buhay ang tiger shark bago pa ito mahuli ng kanilang lambat ngunit ang mga sanggol sa sinapupunan nito ay buhay pa.
Binuksan ng mga mangingisda ang tiyan ng pating at doon nila nakita ang halos tatlong put walong buhay na sanggol ng pating. Agad naman nila itong dinala sa Eastern Marine Biology Research Center para ito ay maalagaan ng ayos.
Kinabukasan isang buntis na tiger shark nanaman ang nahuli ng mga nasabing mangingisda sa kanilang lambat at gaya ng naunang tiger shark ito din ay wala ng buhay ng kanilang mahuli.
Ang pangalawang tiger shark ay may timbang na halos 400 kilo at tatlong put pitong sanggol naman nito ang nakuha at nailigtas ng mga mangingisda.
Ngunit ang mga nasabing sanggol ay kulang pa sa araw kaya naman ito ay mahina, ito din ang dahilan kung bakit pito sa tatlong put pitong sanggol ay nasawi habang nililipat sila sa Eastern Marine Biology Research Center.
Ayon sa Taitung Agricultural Bureau, ngayon lang nangyari sa lugar nila ang makahuli ng dalawang buntis na tiger shark ng magkasunod na araw.
Bukod pa dito, puro wala ng buhay ang mga pating ng mahuli ito ng mga mangingisda. Dagdag pa nila na walang inilabag ang mga mangingisda dahil standard naman ang sukat ng butas ng lambat na ginamit nila.
Ang mga tiger shark ay isa sa mga klase ng isda na may pinakamahabang buwan ng pagbubuntis. Umaabot ang pagbubuntis nila ng labing anim na buwan o isang taon at kalahati at ito ay tuwing tagsibol at taginit kaya naman malaki ang posibilidad na mahuli sila sa ganitong panahon.
Ang mga sanggol na tiger shark naman ay inaalagaang mabuti sa center at kapag sila ay nasa tamang edad na sila ay papakawalan sa dagat.
Nilagyan din sila ng microsatellite marker bago sila pakawalan para madali silang makuhaan ng data na pwedeng gamitin ng mga mananaliksik at para narin madali silang matandaan kapag sila man ay nahuli sa hinaharap.
Nagbahagi din ang direktor ng Eastern Marine Biology Research Center na si Mr. Ho Yuan-hsing ng litrato ng mga nailigtas na sanggol ng dalawang nasawi na tiger shark sa social media.
Ibinahagi nila ito sa social media para magkaroon ng ideya ang mga tao sa mga nararanasang problema ng mga tiger shark sa dagat.
Buti nalang talaga at nailigtas ng mga mangingisda ang mga sanggol sa tiyan ng kanilang walang buhay na ina dahil kung hindi baka kasama din silang nasawi.