Ano kaya ang mararamdaman mo kung makakakita ka ng isang hayop na tulad nito habang naglalakad sa mabato at mabundok na lupain? Kaya mo ba na malapitan ang hayop na tulad nito?
Isang lalaki ang nakatagpo ng isang katangi-tanging hayop sa gitna ng mabatong bahagi sa bulubundukin ng South Africa.
Napansin niya na ang hayop na ito ay mistulang dragon ang itsura na may maraming patusok sa balat.
Nang mahawakan ito ng lalaki, hindi ito pumiglas o nanlaban. Sa halip, kinagat niya lamang ang kanyang buntot at binalot ang sarili na parang bola. Namangha ang lalaki sa hayop na ito kaya nagsaliksik siya tungkol dito mula sa internet. Nalaman niya na ang hayop na ito ay isang Armadillo Girdled Lizard.
Makikita ang hayop na ito sa mala-disyertong rehiyon ng Karoo sa South Africa. Naninirahan sila sa malalaking biyak na mga bato na kung saan ang makakapal at matitibay na kaliskis nito ang pumuprotekta sa katawan nila para hindi sila masugatan.
Kahit na kakaiba ang itsura ng reptilya na ito, napakadali silang alagaan kaya sila ay madalas na piliing alagang hayop ng mga taong mahihilig sa bayawak.
Ang karaniwang sukat ng hayop na ito ay umaabot mula 7 hanggang 9 na sentimetro ang haba.
Kahit sila ay isang reptilya, masasabing kakaiba ang hayop na ito dahil hindi sila nanganganak ng itlog. Kada taon, kayang manganak ng isang babaeng armadillo girdled lizard ng dalawang supling kaya naman sobrang baba ng kanilang bilang sa pagpaparami ng kanilang lahi.
Kaya ng mga bayawak na ito na mamuhay ng mag-isa lamang sa disyerto dahil sa kanilang angking kakayahan na iangkop ang sarili sa kanilang paligid. Madalas silang magparami tuwing tagsibol. Hindi katulad ng ibang mga reptilya, hindi pinapabayaan ng babaeng armadillo girdled lizard ang kanilang mga supling at sila pa mismo ang nagpapakain sa kanila.
Dahil bihira lamang makakita ng ganitong hayop, maraming mga kolektor at ilegal na mamimili ang handang magbayad ng malaking halaga para makakuha ng ganitong hayop. Sa mga nagdaang taon, tumaas ang bilang ng mga ilegal eksportasyon ng reptilyang ito dahil sobrang taas ng presyo nito sa black market.
Sa kasamaang palad, napakadaling mahuli ng hayop na ito. Nasama ito sa listahan ng mga hayop na “Vulnerable” (VU) sa IUCN Red List noong 2007.
Kahit na madali silang makuha, sinasabing isa ang armadillo girdled lizard sa mga tusong hayop. Upang matakasan ang mga naniniil sa kanila, binabalot nila ang kanilang sarili at gumugulong palayo.
Kaya naman kinakagat nila ang kanilang buntot sa tuwing makakaramdam ng panganib. Ang kanilang matigas at matibay na balat ang nagsisilbing proteksyon nila mula sa nga malalakibg hayop. Kilala rin ang hayop na ito sa tawag na “Tail Biting Lizards.”
Ang makaliskis na balat ng bayawak na ito ay maihahalintulad sa hayop na pangolin pati na rin ang makanismong panlaban nito mula sa panganib kaya naman tinatawag itong ‘Armadillo’ girdled lizard.
Isa sa mga paboritong pagkain ng hayop na ito ay ang mga insektong naninirahan sa mga tanim na puno sa rehiyon na tinitirhan nito. Madalas nilang kainin ang southern harvester termite o kaya naman ay mga alakdan at alupihan.
Dahil sa pabago-bagong klima at sariling tirahan, bumaba ang bilang ng nga anay na isa sa mga pangunahing pagkain ng mga bayawak na ito.
Isa rin sila sa nga hayop na napabilang sa listahan ng Convention on International Trade in Endangered Species (Cites). Lahat ng kalakalan ba naganap sa pag-importa sa mga hayop na ito ay binabantayang maiigi ng grupong ito.
Anong masasabi niyo sa mga hayop na ito? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.