Ang mga kababaihan ay mayroong dominanteng pag- uugali, kaya naman dapat lamang nilang panatilihin ang kanilang integridad sa pamamagitan ng paguna sa kanilang mga sarili kumpara sa iba.
Huwag hahayaang may ibang tao na aabuso sa iyo kung kaylan hindi ka handa dahil lamang sa sariling emosyon at sa nararamdaman. Kung ikaw ay nanghihinala, mainam na harapin ang kung sino mang nangloloko sayo kahit ito pa ay ang iyong partner.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga palatandaang cheater ang iyong asawa o kasintahan:
1. Amoy Babae ang inyong partner o asawa.
Kung siya ay nakikipagsiping sa ibang babae, mapapansin mo na magiging magkasing amoy sila. Maaaring makukuha nya ang amoy ng babae dahil sa kanilang pabango, kobre kama, damit, kahit na shampoo. Ang amoy ng lalaki ay magandang basehan kung sya ba ay nambababae o hindi.
2. Tila masyado siyang close sa mga babaeng kaibigan.
Mapapansin mo na kapag kasama nya ang mga kaibigan nyang babae, madalas ang pagkakaroon nila ng pisikal na kontak sa isa’t isa.
May posibilidad rin na mas marami ang atensyon na kanyang ibinibigay sa mga ito tuwing hindi mo sila kasama. Kailangan nang magimbistega upang makahnap ng ebidensya.
3. Mayroon na siyang sikretong tawag at texts.
Nagkakaroon ba ng mga tawag ang iyong boyfriend o asawa mula sa hindi kilalang number tuwing gabi? Minsan di mo agad iisipan na nambababae siya, pero kung palagian naman, dapat magdalawang isip ka na.
Hingin ang kanyang phone at tingnan ang nilalaman. Kahit ano pa ang eksplenasyon nya. Hulihin mo ito sa akto.
4. Hindi ka na nya masyadong kinakausap.
Kung dati rati ay madalas kayo mag usap tungkol sa iba’t ibang bagay, pero ngayon ay tila nag iba na ang pakitungo niya sa iyo. Isa rin ito sa sinyales na mayroong kinagigiliwang iba ang inyon partner.
5. Mayroon syang bagong mannerism o habit.
Maging mapagmatyag sa mga bagong expressions na madalas nyang binabanggit. Madalas kasi nagagaya ng isang tao ang mannerism at pananalita ng mga taong kasama nya palagi.
6. Mahirap makipagsiping sa kanya.
Pareho kayong hindi natutuwa sa ginagawa ng isa’t-isa. Sa kanyang palagay, ang pakikipasiping sa iyo ay boring at pakiramdam mo hindi na kayo magkasintahan.
7. Nadudulas ang kanyang mga kaibigan sa pagsabi ng katotohanan.
Madalas siyang inconsistent at nahihirapan sa pagsabi ng katotohanan. Maging mapanuri sa kanyang mga lakad at pananalita. Madalas siyang nagsasabi ng mga kwento na pangtakas niya at dinadawit pa ang kanyang mga katrabaho at mga kaibigan.
8. Tila ba iba siya sa pangkaraniwan.
Nararamdaman mo siya tuwing magkasama kayo ngunit hindi mo nararamdaman ang intimacy at excitement. Madalas pa nga ay palagi syang bad mood.
9. Kilala siyang Babaero.
Ang babaero mananatiling babaero. Kung nagawa niya na ito noon, mas kaya niyang gawin ito ngayon. Kailangan palaging hinahanda mo ang iyong puso tuwing ikaw ay makikipagrelasyon. Mainam na maging handa para sa pagkasawi sa pag ibig kaysa naman mabigla ka.
10. Nagoover react siya tuwing kayo ay nagbabangayan.
Nagiging sobrang sensitibo at iritable niya tuwing tinatanong mo sya at hinihingi ang katotohanan mula sa kanya. Magagalit ito at ibabalik sayo ang sisi na masyado mo syang pinipilit.
11. Palagi nyang dahilang ang trabaho.
Ito ang madalas na ginagawang palusot ng mga iyan. Minsan maniniwala ka dahil binibigyan mo sila ng benefit of the doubt. Pero hindi naman masama na mag double check. Pwede mong tawagan ang kanilang opisina para tingnan kung andoon nga siya.
12. Maniwala sa iyong kutob.
Ang kutob ay madalas tama. Hindi masama na maniwala tayo rito dahil ito ay parte ng ating pagkatao at hindi tayo bibiguin nito.