Video ng Isang Dentistry Habang Kinakanta ang Awitin na “Akin ka nalang” Viral ngayon sa Social Media

Sa panahon natin ngayon malaki ang naitutulong ng social media sa ating pang araw-araw. Dahil dito marami ang sumisikat at nagiging viral dahil lang sa pag post ng kanilang mga litrato o di kaya naman ay mga video. Alam nating lahat na marami ang mga talentadong pinoy sa ibat-ibang larangan gaya ng pag-awit, pag-sayaw, at pag-arte.

Ngunit lang sila nabibigyan ng break para sumikat at makita sa telebisyon. Minsan nga ay mas magagaling pa sila sa mga kilala nating artista.



Salamat nalang sa social media at sila ay nabibigyan ng pansin para sumikat kahit na hindi sa telebisyon. Pero dahil din sa social media ang ilan sa kanila ay nabibigyan ng pagkakataon na maging artista at sumikat.

Kamakailan lang ay isa na naman estudyante ang naging viral sa Facebook dahil sa kanyang magandang boses. Si Rhea Basco, isang estudyante ng pagdedentista sa Centro Escolar University o CEU ay kilala ng kanyang mga kaibangan na magaling kumanta at maganda ang boses.

Image Credits: We The Pvblic

Kaya naman isang araw habang sila ay naka lunch break, hiniling ng kanyang mga kaklase na kantahin niya ang awitin ni Morisette Amon na "Akin Ka Na Lang" kung saan meron itong napakaraming matataas na nota.

Ipinost ng kaibigan ni Rhea na si Charles Sorreda ang video ng kaibigan sa kanyang Facebook account at sabi pa ay "Wala siyang magawa". Naging viral ito dahil sa ganda ng kanyang pagkakaawit at marami ang nagshare ng kanyang video.





Sa isang panayam kay Rhea ng We the Public, ang pagkanta niya sa harapan ng kanyang mga kaklase ay naging libangan na niya lalo na kapag wala silang klase at naka break. " Sila usually ang audience ko at supportive sila sa akin.", sabi pa ng dalaga.

Madami-dami na rin siyang nasalihan na mga paligsahan sa pagkanta lalo na kanilang paaralan at kagaya ng karamihan sa mga kabataan ngayon pangarap niya din na makapag record ng kanta.

source: rachfeed



Please follow and like us:

Related Post