Venus Raj Ibinahagi sa Publiko ang Kanyang Dahilan kung Bakit Hindi na Siya Nagsusuot ng Bikini

Isa sa mga tumataktak na kandidata sa Miss Universe ay walang iba kundi si Venus Raj. Nangyari ang kanyang biglaang pagsikat noong kaganapan ng Miss Universe 2010 kung saan bumagsak siya sa ika-limang pwesto ng Miss Universe.



Ang pambato ng Pilipinas natin na si Binibining Venus Raj ay nakuha ang pang-apat na pwesto sa Pageant Final ng Miss Universe 2010 na ginanap sa Mandalay Bay Hotel sa Las Vegas noong ika-23 ng Agosto.

Ang kandidata ng bansang Mexico na si Jimena Navarrete ang nagwagi ng korona ng Miss Universe 2010 na naghatid ng kaba sa mundo ng patimpalak ng kagandahan dahil sa hindi nila inaasahan ang pagkapanalo nito.

Ang mga pambato ng bansang Ireland, Venezuela at ng bansang Amerika kasi ang umaarangkada sa mga maaaring makakuha ng korona.



Narito ang sumusunod na tanong at sagot ng ating kandidatang si Venus Raj na nagpawindang sa buong mundo ng panahong iyon ng prestihisyong pantimpalak.

“What is one big mistake that you have in your life and what did you do to make it right?”

Sagot ni Venus:

“Thank you so much Sir for that wonderful question. Good evening ladies and gentlemen. Good evening Las Vegas! You know sir in my 22 years of existence I can say there is nothing major major, I mean problem that I have done in my life because I am very confident with my family with the love that they are giving to me. So thank you so much that I am here!’

Kahit na pang lima lang ang nakuha ni Venus na puwesto at hindi niya nasungkit ang corona naging proud parin sakanya ang kanyang mga taga suporta. Dahil dito nagsimulang umusbong ang kasikatan ni Venus Raj.



Lumabas na siya sa mga programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Pero kamakailan lang ang mga tagahanga niya na patuloy siyang sinusubaybayan sa kanyang Instagram account ay napuna na hindi na siya nagsusuot ng bikini. Sa halip lagi na siyang nakasuot ng pangligong rush guard na bumabalot sa magandang hubog ng kanyang katawan.

Sa kanyang panayam sa PEP, isiniwalat ni Venus ang dahilan kung bakit hindi na siya nagsusuot ng kahit anong klaseng bikini. Ayon sa kanya, habang mas lumalapit siya sa ating Diyos ay binigyan na niya ng limitasyon ang kanyang sarili sa paraan ng pananamit. At para sa kanya ito ay hindi isang uri ng reserbasyon.

“You know, I’m getting old. I’ve matured, I’m turning thirty. Hindi siya limitations just because I want limitations. It’s because I’m getting mature & I’m having convictions, yun yung pingangatawanan ko. Anything that I feel not biblical, it’s conviction.”

Naidagdag pa ng dalaga sa pabirong sagot patungkol kanyang katawan; “Hindi na rin kagandahan yung katawan ko, hindi na ako nagsu-swimsuit. Nakakahiya, baka masuka kaayo."

At nang tanungin naman siya sa kalagayan ng kanyang buhay pag-ibig, ang sagot niya ay wala siyang mga manliligaw sa kasalukuyan.

“I’m happy and in love every day. Wala akong suitor, I am really content with my relationship with the Lord every day. Bakit wala? I am just waiting, I am not pursuing. So, if there’s one pursuing me, I can’t do anything about that.”

Sa kanyang programa sa GMA News TV na “Business Flight” ay ibinahagi rin ng kanyang kasamahan sa paghohost na si Cristina Decena ang pananampalataya ni Venus sa Diyos. Malaki ang naging impluwensiya ni Venus sa kanyang buhay at tinuruan siya nitong magbasa ng Bibliya. Sinabi pa niya na nagbabasa si Venus ng Bibliya tuwing umaga sa kanilang Asian cruise noong nakaraang buwan ng Abril.



“Di ba, may tinatawag na in God’s perfect time? Palagi akong nakakakita ng Bibliya, pero hindi ako nagbabasa. Ngayon, hindi ko masimulan ang araw ko hangga’t hindi ko tinitingnan yung Verse of the Day. Kapag matutulog na ako, gusto ko na mag-12 o’clock ng madaling araw, kasi meron na naman bagong Verse of the Day.”

Naipagtapat pa ni Decena kung paano siya natulungan ni Venus na mapahilom ang kanyang puso.

“Na-inspire ang buhay ko…from the start, maraming tao ang may atraso sa akin. Pero binuksan ni Venus yung isip ko sa salitang pagpapatawad, pagmamahal, lahat yun”.

Maraming Netizens ang nagpahayag ng matinding paghanga at respeto sa paninindigan ni Venus. Ang kanyang buhay na patotoo ay isang inspirasyon sa lahat ng tao lalo na sa mga kababaihan. Isa siyang mabuting ehemplo at dapat tularan ng bawat tao, ng mga kababaihan, at lalo na ng mga makabagong henerasyon.

source: newssentinel



Please follow and like us:

Related Post