Tindera ng Isda Binigyan ng Makakain ang Isang Nagugutom na Aso, Kinabukasan Bumalik ang Aso para Suklian ang kanyang Kabutihan

May kasabihan na ang mga aso ay maituturing na matalik na kaibigan ng mga tao. Marami nang nakakamanghang kwento ng magandang samahan ng isang alagang aso at kanyang amo ang naibahagi sa social media.

Ang mga aso ay para ding mga tao kung mag-isip dahil ang mga ito ay marunong tumanaw ng utang na loob sa kanilang mga tagapag ala o mga amo.

<script>

Isang patunay na ang mga aso ay marunong magpahalaga sa pagmahahal at marunong magbalik sa paraan na kaya nilang gawin ay ang kuwento ng isang babaeng tindera at ng asong ito.

Isang araw sa napakalamig na panahon, ay nakita ng isang babae na tindera ng mga isda ang isang pulubing aso na nakatunghay sa harap ng kanyang tindahan. Sobrang nahabag ang babae sa kaawa-awang itsura ng aso at binigyan niya ito ng mainit-init na makakain.

Hindi niya inaasahan na ang simpleng pagtulong niya sa nasabing aso ang magiging simula ng isang espeyal na pagkakaibigan nilang dalawa.

Simula nga ng araw na iyon, ay lagi na siyang pinupuntahan ng aso sa kanyang tindahan.

Napakabait ng aso at hindi ito nagdulot ng gulo bagkus nakatulong pa ito sa kanya sa pagbabantay ng tindahan. Minsan nga na may sumubok na kumuha ng kanyang pitaka ay mabilis na tumahol ang aso sa magnanakaw.



Sobrang natuwa ang babae sa ginawa ng aso at binigyan niya ulit ito ng mainit na pagkain. Ang pagpapakita niya ng kabutihan sa aso ang lalong nagpalalim ng relasyon na meron sila para sa isa’t-isa.

Nagkaroon nga ng matatawag ng tahanan ang asong gala dahil isa na siyang maituturing na bagong amo sa tindahan ng mga isda.

Dahil sa pag-aaruga ng babae sa aso, ang kalusugan nito ay muling bumuti nanumbalik ang magandang pangangatawan. Ang nakaka-aliw pa dito ay hindi naging abusado ang aso at mas naging masunurin pa lalo ito sa babae hindi katulad ng ibang hayop.



Araw-araw ay sinasamahan ng aso ang tindera papunta sa kanyang tindahan ng mga isda at ito ay naghihintay lang doon sa buong maghapon. Nang mapag-alaman ng mga taga-roon na may bagong amo sa tindahan, sila sy nagtungo roon para lang makita ito.

Ang kakatuwang presensiya ng aso ay lalong nakahikayat ng mas marami pang mamimili ng isda sa tindahan ng mabait na babae.

Ang aso na dating walang tahanan at pakalat-kalat lang sa kalsada sa napakalamig na klima ng panahon ay nakahanap ng taong tunay na magpapakita sa kanya ng pag-aaruga at pagmamahal.



At para maibalik ng aso ang kagandahang loob na ibinigay sa kanya ng babae at pagkakaligtas sa kanyang buhay ay nanatili siya sa poder nito at naging matulunging bantay sa tindahan.

Ito ang patunay na ang isang aso ay marunong magpahalaga sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng isang tao, kaya mahalin natin ang ating mga alagang aso kasi siguradong ibabalik nila ng doble ang pagmamahal na ipinapakita natin sakanila.

Ano ang masasabi ninyo sa kuwento ng Tindera ng mga sida na ito at sa kanyang kaibigang aso? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: goodtimes



Please follow and like us:

Related Post