Tinaguriang ‘World’s Poorest President’ Tinanggihan ang Alok na Pensyon ng Gobyerno ng Uruguay at Nais Ipagpatuloy ang Pagpuksa sa Katiwalian

Ang dating Presidente ng Uruguay na si Jose Mujica ay tinaguriang ‘pinakamahirap na Presidente’ dahil sa kanyang kabaitan at payak na pamumuhay.



Naipabalitang siya ay nagbibigay ng malaking bahagi sa mga kawanggawa at nagtitira lamang ng maliit na bahagi para sa kanya. Tunay na napakadakila at mapagpakumbaba.

Sa mga hindi nakakaalam, si Jose ay naging Presidente ng Uruguay simula 2010 hanggang 2015 at sa ilalim ng kanyang pamumuno naging legal ang gay marriage at paggamit ng marijuana.

Simula ng siya ay magbigay ng 80 porsyento ng kanyang kulang-kulang na $12,000 na buwanang sahod sa mga kawanggawa, siya ay nalalayo sa mga mayayamang Presidente sa buong mundo.



Sa katunayan, nakatira padin siya sa sakahan ng mga bulaklak kasama ang kanyang asawa sa halip na manirahan sa palasyo at laging nakasakay sa kanyang 1987 Volkswagen Beetle na kotse.

Matapos bumaba sa kanyang posisyon bilang isang Presidente, si Jose ay nagsilbi padin sa bansang Uruguay bilang isang Senador hanggang noong Martes (Agosto 14) ng siya ay magbitiw.

Kung tutuusin dapat hanggang 2020 pa ang kanyang panahon ng panunungkulan ngunit sa personal na kadahilanan nagdesisyon siyang magbitiw. Kahit na ganun, patuloy padin ang kanyang laban kontra sa katiwalian sa bansa.



“I’d say it’s exhaustion after the long journey, “ pahayag ng 83 taong gulang na dating lider ng guerrilla sa isang sulat na binasa ng hayagan sa kamara ng Senado.

Marahil ang pinaka nakakatuwa ay ang pagtanggi ni Jose na tumanggap ng pensiyon matapos siyang magbitiw sa Senado. Ito sa kadahilanang umaasa siyang ang pera na dapat ibibigay sa kanya ay mas makakatulong pa sa kanyang kapwa.

Ang balitang ito ay naghikayat ng pansin ng maraming Malaysians simula ng magkumpara ng mga tao si Jose sa dating Prime Minister na si Najib Razak at kasalukuyang Prime Minister na si Tun Mahathir.

Ang ilan ay nagbigay ng papuri kay Jose dahil mas inuuna niya nag kapakanan ng kanyang nasasakupan kesa sa kanyang sarili.

“This is the kind of leader that Malaysians really want, not someone who has boxes of cash stashed inside his home,” sabi ng ilan.

Sa inyong palagay, kaya ba ng pinuno ng Malaysia ang ginagawa ni Jose para sa kanyang mga nasasakupan?

source: worldbuzz



Please follow and like us:

Related Post