Paninigarilyo at Pag-inom ng Alak sa Boracay, Ipinagbabawal na

Ayon sa Department of Tourism (DOT), ipagbabawal na ang paninigarilyo at pag- inom ng nakalalasing na alak sa mga mataong lugar sa parte ng Boracay sa muling pagbubukas nito sa buwan ng Oktubre nitong taon.

Alam naman ng lahat na talamak ang ganitong eksena sa nasabing atraksyon sapagkat karamihan sa mga dumarayo dito ay mga turistang nais magsaya, makapagpahinga at makihalubilo sa iba’t ibang tao na katatagpuan sa lugar.



Masaya, makulay at maingay ang bawat magdamag sa lugar sapagkat sikat ang pook na ito hindi lamang sa loob ng bansa ngunit pati na rin maging sa buong mundo.

Kakikitaan ang Boracay ng mga lokal sa lugar, dayuhan sa mga karatig nayon, probinsya at syudad at maging kakikitaan din ng iba’t ibang dayuhan mula sa ibang bansa.

Kaliwa’t kanang kasiyahan sa mga nagraramihang restaurants, bars and cafes ang matutunghayan. Ngunit matatandaan ang malawakang pagsasara nito ngayong taon para sa pagbubukas ng umano’y mas progresibo, mas isinaayos, mas pinalinis at mas pinakagandang Boracay.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, bawal ang paninigarilyo at pag-inom ng alak maging sa pamosong kaganapan tuwing Labor Day, na Laboracay.



Ito ay para umano mas magkaroon na kahali-halinang simoy ang isla, iwas polusyon at ingay, pati na rin ang pagpapaigting ng pagsasaayos sa naturang lugar. Ayon din kay Puyat ay nailahad na niya ang mga talituntunin na nakatala kay Environment Secretary Ro Cimatu at Interior Secretary Eduardo Aňo.

“Definitely, no more drinking and smoking sa White Beach. Why? Because this is a public beach. You want your children to walk around na hindi may bubog ng glass, na hindi may cigarette butts,”

Pahayag ni Puyat sa isang media forum sa Inquirer, na ipinapahiwatig na ang kalinisan sa lugar ang siyang dapat isulong sapagkat maaaring magdulot ito ng disgrasya lalo na sa mga bata kung maaaring makaapak sila ng bubog dulot ng mga nagkalat na bote ng nakalalasing na mga inumin.

Nakasisira rin ng magandang tanawin ang mga nagkalat na sigarilyo at bote sa lugar kaya marapat na itigil na ang mga gawaing ito umano.

Bagama’t bawal na ang paninigarilyo at pag-inom sa mataong parte ng Boracay, ay ang mga turista naman na nakalagak sa kani-kanilang mga tinutuluyang hotels ay maaaring doon na manigarilyo at uminom, sa kadahilanang ito ay matatawag na lugar na pribado at hindi gaanong makaaapekto sa madla at sa mismong baybayin.

“Pwede kang magpaa, hindi ka matatakot na baka masugatan ang paa mo dahil biglang may broken bottle pala, tapos alam mo yung nilalakaran mo ay talagang sand at hindi abo ng sigarilyo,” Ayon ulit kay Puyat sa isang panayam sa DZMM.

Sa kabilang banda, inilahad ni Environment Secretary Ro Cimatu na ang Boracay ay magbubukas na sa ika-26 ng Oktubre ngayong taon, anim na buwan matapos idineklara ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagsasara nito. Sigurado marami ang dadayo sa lugar sapagkat lubhang matagal na muli itong masisilayan ng mga turista na sabik pumunta sa pook.



Ang pangangalaga sa likas na yaman ay nararapat lamang na ating bantayan. Pagyamanin natin lalo ang angking ganda ng bawat magagandang pook na siyang ipinagkaloob sa atin ng Maykapal.

Ang mga ito ay maaaring masira kinalaunan, mawalan ng angking ganda at karikitan. Sino ang masisisi? Walang iba kung hindi ang mga tao na itinalaga ng mundo upang mangalaga sa mga likas na yamang ito.

Batid natin ang epekto ng polusyon sapagkat hindi lang ito nakasisira ng mga likas na yaman ng ating mundo, bagkus tayo mismong mga tao ay apektado ng sarili nating basura at ating sariling pagpapabaya.

Matuto na tayo sa mga dumarating na kalamidad, magbuklod buklod tayo tungo sa mas magandang tanawin at mas magandang mundo.

source: kickerdaily



Please follow and like us:

Related Post