Napansin ng Isang Netizen ang Palutang Lutang na Boteng ito Habang Nangingisda Ngunit ng Kunin niya ito Nagulat siya at Na Awa sa Kanyang Nakita

Maraming ïnsidente ng pang-âabuso ang madalas nangyayari sa panahon ngayon dahil sa mga masasamang tao sa ating kalikasan. Subalit, karamihan pa rin sa atin ay pilit na gumagawa ng paraan upang masugpuan ito.

Katulad ng isang lalaking ito na kamakailan lamang ay nagpamalas ng kabutihan. Madalas gawin ng lalaking ito ang paborito niyang pampalipas oras, ang mangisda. Subalit, ang lalaking ito ay nakaranas ng isang kakaibang pangyayari matapos siyang makakita ng isang bagay na palutang-lutang sa dagat.



Sinuyod niya ang tubig upang lapitan ang isang kakaibang bote na lumulutang sa tubig. Laking gulat ng lalaking ito ng nilapitan niya ang bote at napansin na mayroong isang pagong na nakadikit sa may bote.

Ito ay kanyang sinuri at napansin at ayon sa kanyang pagiimbestiga na sinadya na idikit ang kaawa-awang pagong sa plastik ng bote.

Napag-isip-isip ng lalaki na marahil ay nahirapan ang pagong na makahanap ng pagkain dahil sa nahirapan itong lumusong pailalim sa dagat dahil sa boteng pumipigil sa paglubog ng pagong.





Napansin din ng lalaki na nilulumot na ang bote na nakadikit sa pagong. Ipinapahiwatig nito na ang bote ay maaaring matagal ng nakadikit sa pagong.

Sa liit ng pagong, ang nagawa lamang nito ay magpalutang-lutang sa ibabaw ng dagat na maaaring mag-resulta ng kapahamakan nito.

Madaliang tinanggal ng lalaki ang lumot at ang boteng nakadikit sa pagong. Natagalan ng kaunti ang lalaki dahil sa padikit na ginamit ng mga walang awang tao sa pagong.



Pagkatapos niyang matanggal ang bote, pinakawalan kaagad ng lalaki ang pagong upang ito ay makabalik sa kanyang natural na tahanan sa dagat.

Kahit hindi na nakabingwit ng isda ang lalaki, malaking bagay para sa kanya ang makitang nakakalangoy ng maayos ang pagong ng palayo sa dagat.

Pagkatapos niyang makauwi, naisipan ng lalaki na i-upload ang mga litrato at video ng pagong upang ipaalala sa mga tao na ang pang-aabuso sa mga hayop ay labag sa batas at dapat tigilan na.

Panoorin ang video na ini-upload ng lalaki:



Please follow and like us:

Related Post