Mystica Ibinahagi ang Kuwento Kung Paano Nawala na Parang mga Bula ang Kanyang mga Mansyon at iba pang Ari-arian

Si Mystica o mas kilala bilang Ruby Cassidy ay isa sa mga sikat na recording artist na umani ng libo libong tagahanga mula sa ibat ibang sulok ng daigdig.



Dahil sa kanyang kasikatan, nagkaroon ng marangyang buhay si Mystica kung saan nakapag patayo ito ng mga mansyon at nakabili ng mga mamahaling sasakyan. Ngunit nabalitaan na ang dating noon ay sadlak sa kaginhawaan, ngayon ay naghihirap na.

Nitong nakaraan lang na buwan ay nabalitaang huminge ng tulong si Mystica kay Coco Martin na bigyan siya ng pagkakataon na gumanap sa long-running show niya na ang Probinsyano.

Kung isa ka sa mga nainspired sa mga istorya ng rags to riches, iba ang kay Mystica dahil kabaliktaran ang nangyari sakanya kung saan from riches to rags na ngayon kahit pampagamot sa kanyang sarili ay wala siya.

Isang video dati ang naibahagi sa youtube kung saan ifeneature si mystica at kanyang mga naipundar na properties sa Estados Unidos. Napagalaman din na hindi lang siya sa pinas naging sikat kundi sa U.S. din.



Binansagan din siya dati na the Split Queen dahil sa galing nitong sumayaw at mag split.

Ipinakita din niya ang kanyang mga bahay sa Pinas at isa na dito ay ang kanyang napakalaking mansyon na matatagpuan sa Quezon City.

Taong 2016 ng maibalita na unti unti ng nalugmok sa kahirapan si Mystica at lahat ng kanyang mga naipundar kasama ang kanyang mga mansyon at mamahaling sasakyan ay tuluyan ng naglaho.

Ayon sakanya na natangal siya sa kanyang regular na trabaho at nag asawa din siya ng mas bata sakanya.



Nabalitaan din na nagkasakit din ang kanyang anak na si Stanley Villanueva matapos magkaroon ng komplikasyon sa puso at sa atay dahilan upang gumastos ito ng malaking halaga pam pagamot sa anak.

Hindi lang iyon dahil sumabay din ang pagkakaroon niya ng throat infection dahilan upang mas mabaon siya sa utang.

Sa ngayon hindi pa alam kung saan at kung anong show ang papasukin ni Mystica ngunit ayon sakanya handa na daw siyang bumalik sa mundo ng pagtatanghal. Kung papayagan ni Coco Martin si Mystica na makasali sa kanyang show ay isa siya sa mga artistang matutulongan nito.

Ano ang masasabi ninyo sa artikulong ito? Ibahagi saamin ang inyong opinyon.

source: kami



Please follow and like us:

Related Post