Mister, Sinabi sa Misis na Hindi na niya ito Mahal, Ngunit Agad Binawi at Nagmakaawa na Manatili ng Sabihin ng Misis niya ang mga Bagay na ito

Ito ay isang istorya ng mag-asawa kung saan ikinumpisal ng lalaki na hindi na niya mahal ang kanyang asawa. Ang sagot ng babae ay nagtulak sa lalaking habulin siya nito. Basahin ang istorya nila sa baba.

Habang nasa hapag-kainan at naghahapunan biglang may sinabi ang lalaki sa kanyang asawa:

“May usap-usapan sa opisina na yung boss ko daw ay hihiwalayan na ang kanyang misis. Oo maganda yung asawa niya pero sino naman ang hindi magsasawa kung iisang babae lang ang lagi niyang makakasama di ba? Kung ako kay boss ganun din gagawin ko!”





Natigil sandali ang babae at dahan dahang napalunok nang narinig ang sinabi ng asawa at sinabi:

“Kung isang araw ay may nagkainteres sayong ibang babae at niyaya ka lumabas, pakisabi sa kanya na bago ka niya mailabas at makipag-date, alagaan niya muna ang ating mga anak. Ako ang huhusga kung kakayanin niya.”

for illustration purpose only

Dagdag ng babae:

“Kung isang araw ay makatagpo ka ng mas seksi at mas magandang babae na magaling mag-ayos at manamit kumpara sa akin, pakitanong nalang kung magkano ang kanyang nagagastos para lang makabili ng kanyang mga make-up, lipstick, pagpaparebond, relax, hot oil, foot spa, digi pirm, hair color, manicupe, padicure, kulot, at lahat lahat ng mamahalin niyang beauty products. At pag macompute mo na ay bigyan mo rin ako ng halaga ng lahat ng iyon para ipanggastos ko rin sa pagpapabeauty ang lahat ng iyon. Para naman maging kamukha ko na siya at ako naman ang gumanda. Nalosyang lang naman ako nang pinakasalan kita.”



Nanatiling tahimik ang lalaki dahil hindi niya alam ang isasagot niya. Dugtong ng babae:

“Pero kung gusto mo namang sundan ang yapak ng iyong boss na maghanap ng mas maganda at seksing asawa, sige papalayain kita. Dadalhin ko ang aking mga anak at mamumuhay kami malayo sa inyo ng bago mong babae pero aabangan ko at titingnan ang mangyayari sa inyong dalawa pagkatapos ng 5 taon. Sa tingin mo ba ay ganun parin ang kanyang magiging itsura-bata, maganda at seksi? Eh paano kung pumangit na rin siya at nalosyang tulad ko, maghahanap ka ulit ng ipapalit sa kanya?”

for illustration purpose only

Matapos mapakinggan ang sinabi ng asawa, nagsalita na ang lalaki at nagsabing:

“Joke lang yun, Mahal.. Ikaw naman hindi na mabiro...”

Dugtong ng babae:

“Mas maganda rin siguro na siya narin ang mag-alaga ng ating mga anak at mag-asikaso sa iyong mga magulang. Para naman makalakwatsa rin ako, makapagshopping, makapagtravel, magbabad sa parlor at makisiesta sa aking mga amiga. Yung mga bagay na nagagawa ko dati pero simula noong napangasawa kita ay nahinto na. Oh di ba may bago ka nang babae, ako naman ay nag-eenjoy at namumuhay na parang dalaga.”

Ikinagulat ng lalaki ang mga pahayag ng babae at napag-isip isip ang mga pagkukulang na kanyang nagawa sa asawa. Sarili lang niya ang inisip niya at binalewala ang kanyang asawa na siyang nag-aalaga sa kanilang mag-aama sa loob ng maraming taon.



“Hindi bagong asawa ang kailangan mo kundi isang kasambahay. Isang kasambahay na gagawa ng mga gawaing bahay para naman ako ay makapag-ayos- mag-make up, mag-gymn, magpaparlor at magkaroon ng maraming beauty products para muling maging kaakit-akit muli sa iyong paningin.”

“Panahon na siguro na kumuha ka ng kasambahay. Dahil kung ako ang lagi mong aasahan sa lahat ng gawain dito sa bahay ay mananatili akong losyang. Mawawalan ka ng asawa, mga anak- at isang buong pamilya. Noong hiningi mo ang aking mga kamay mula sa aking mga magulang ay nangako kang mamahalin ako habambuhay. Ang nangyari ay nagmistula lang akong alipin na naging labandera, taga-plantsa, tagalinis, tagapagluto at tagapaghugas mo ng iyong pinagkainan.”

for illustration purpose only

Itinanong naman ng lalaki sa kanyang asawa:

“Paano kung ibigay ko ang lahat ng ito sa iyo at ikaw naman ang mangaliwa?”

Natawa na lamang ang babae sa pahayag ng asawa.

“Ang puso ko ay nakatuon lamang sa ating pamilya. Hindi ko yuyurakan ang aking digindad na maghanap pa ng iba, maliban lang kung..........”

Biglang sumabat ang asawa at sinabing:

"HINDI!!! Hindi pwede! Ikaw lang ang aking mamahalin habambuhay. Ikaw lang ang gusto kong makasama at hinding hindi ko nanaising mawasak ang ating pamilya. Simula ngayon hindi na ako magbibiro ng ganoon.”



Ang istoryang ito ay nagpapaalala lamang sa atin na dapat nating ituring ng maayos ang ating mga asawa. Kung ano ang iyong ibigay ay iyon din ang iyong magiging sukli.

Sapat na atensyon, pagmamahal at pag-aaruga lang ang kailangan ng ating mga asawa. Hindi ba unfair naman sa ating mga asawa na mas inaaruga at binibigay mo pa ang luho sa ibang babae na hindi mo man lang pinaranas sa iyong kabiyak?

for illustration purpose only

Dapat araw-araw nating ipinadarama sa kanila na sila ay mahal natin- tulad ng mga sandaling sila ay atin palang nililigawan. Hindi kailangan ng anniversary para magbigay ng bulaklak, halikan at hagkan sila at iparamdam kung gaano natin sila kamahal at gaano tayo nagpapasalamat sa mga sakripisyo nila sa ating pamilya.

Ano ang iyong masasabi sa artikulong ito? Magcomment at ishare!



 

Please follow and like us:

Related Post