Mister na Sinasaktan Diumano ng Kanyang Misis na Lasinggera, Dumulong sa Programa ni Raffy Tulfo

Karaniwan na sa mga kwentong Pilipino ang makakakita ng naglalasing na lalaki at makarining ng balita na sinasaktan nito ang kanyang asawang babae.

Kaya nagkaroon tayo ng batas para proteksyunan ang mga kababaihan laban sa mga pang-aabusong gaya nito. Ngunit ibahin ninyo ang kwento ng isang lalaking ito na sinasaktan ng kanyang lasinggerang misis.





Marahil ay marami na din ang ganitong kaso ng pang-aabusi ngunit iilan lang ang may lakas ng loob para magsalita o di kaya naman ay magsumbong sa kadahilana siguro ng pagkahiya sa sasabihin ng ibang tao o kaya naman ay pagkatakot sa kanilang asawa at ayaw nilang masira ang kanilang pamilya kung meron ng mga anak. Tinagurian na kasi sa ating lipunan na ang mga lalaki ang siyang malalakas at hindi dapat 'under the saya'ng kanilang mga misis.

Ngunit itong si Carlito Jaca, isang drayber ay hindi na nakatiis at idinulog na ang kanyang reklamo sa programa sa radyo ni Tulfo.

image credits: Maricel Jaca | Facebook
image credits: Maricel Jaca | Facebook

Ayun sa kanya, ang mga kalmot at sugat niya sa katawan ay kagagawan ng kanyang misis na madalas ay naglalasing kasama ang kanyang mga barkada.



Si Carlito ay nag-aantay noon sa pag-uwi ng kanyanng asawa habang nagbabantay ng tindahan at kanyang mga anak ng dumating ang kanyang misis magbabandang ala-una ng madaling araw na halatang lasing pa at mainit ang ulo.

Kasama niya pa ang mga barkada sa pagpasok ng bahay. Ibinuntong niya ang init ng ulo kay Carlito at pinagbabato ito ng kanilang mga paninda galing sa sari-sari store. Sinipa pa diumano nito ang motor ni Carlito na kanilang hiniram upang mamasyal at mag-inuman.

Noong kinuha naman daw ni Carlito ang teleponon ng kanyang asawang si Maricel ay nagalit ito ng sobra at kumuha ng itak at nag ambang tatagain siya. Sa takot ng lalaki ay tumakbo ito palabas ng bahay at nagsumbong sa kanilang barangay habang nanghihingi ng saklolo.



Ayun pa sa kanilang Brgy. Chairman, nakikita nila ang nangyayari kay Carlito ngunit wala silang magawa dahil wala namang batas na nagpoproteksyon sa mga kalalakihan laban sa mga kababaehang mapang abuso. Aniya dapat ay mayroon ding batas para sa kanila lalo na sa ganitong uri ng pang-aabuso.

Ayun naman kay Carlito nagkaroon ng kalaguyo ang kanyang misis ng ito ay magtrabaho sa Saudi ngunit lumayo din ito sa kanyang kalaguyo nung malaman nito na may pamilya na din pala ang kanyang lalake. Nagmakaawa diumano itong bumalik kay Carlito.

Si Maricel ay kusang pumunta sa programa ni Tulfo upang linisin ang kanyang pangalan at itinanggi nito ang lahat ng paratang sa kanya ng kanyang mister.

source: Raffy Tulfo in Action



Please follow and like us:

Related Post